CHAPTER 37: STORYTELLING WITH ALLIYAH

1.1K 45 0
                                    

Marianne's POV

Good morning tagaytay, good morning world!

Medyo late akong nagising ngayon, I mean literal na late kase it's already 10:30 na. Eh paano ba naman kase, mga 2am na ako nakatulog kakaisip kay Liden. Until now ay hindi parin mawala wala sa isip ko yung nangyari saamin kagabi, yung buong araw at yung romantic kiss syempre.

Ano na kayang ginagawa ng mga kasama ko? Kanina pa siguro nag-eenjoy yung mga yun na tumampisaw sa tubig. Bumangon ako saka sumilip sa bintana at natanaw ko nga sila na naglalaro na sa tabing dagat. Dahil gusto kong maparoon ay nagmadali akong nag-ayos.

After ko nagbrush at nag-ayos ay agad rin akong bumaba at tumungo sakanila. Agad naman akong sinalubong ni Alliyah.

"Bestieeee!!" Sigaw naya habang tumatakbo papalapit saakin.

"Oh! Bakit parang ngayon mo lang ako nakita?"

Hindi na siya nagsalita pa at tanging hinila nalang niya ako patungo sa may dagat.

"Ayaw ko pang magtampisaw bestie!"

Dahil ayaw ko pang madapuan ng tubig ay pinagpasyahan muna naming pumunta sa malapit na cafe. Sinamahan ko namang nagbihis itong si Alliyah, jusko! Kaaga aga nakabikini agad si ate. Taray!!!

After a few minutes ay natapos narin siya nagbihis at naglalakad na kami ngayon papunta sa isang cafe.

"Eh bat ba kase ang tagal mong nagising bestie?"

"Eh ano! Hindi ako nakatulog ng maaga."

"Wow! Ni enjoy niyo ni Liden ang gabi! Sige lang bestie, push mo yan!"

Parang abnormal talaga tong Alliyah nato. Maaga naman kami nakauwi ni Liden hah, mga 9:30. Sadyang hindi lang talaga ako makatulog kase paano ba naman, si Liden lang ang tumatakbo sa isip ko.

"Ang dami mong kaabnormalan, dalian na ngalang natin."

"Nyenye! Magkwento ka mamaya."

Agad naman kaming nakarating sa cafe. Hinayaan ko ng si Alliyah ang mag order. Oo, aminado ako na hanggang ngayon ay hindi parin maalis sa isip ko si Liden. Jusko! Natamaan na talaga ako sakanya ng sobra. Eh kasi naman eh, yung nangyari kagahapon, hindi ko inakalang mararanasan ko yun with Liden, sobrang nagustuhan ko, sobrang sumaya ako at sobrang nafall ako kay Liden. He's so Perfect.

"Oh, bestie! Anong nginingiti ngiti mo jan?"

Nawala naman ako sa moment ko nang itong si Alliyah ay bigla bigla nalang sumusulpot. Hayst!

"Gaga ka talaga! Ngiti lang para no bad vibes!"

So, ibinaba naman na ni Marianne yung tray. Magkaybigan nga talaga kami. Alam na alam niya yung mga dapat kong kainin, eto waffle and hot mocca coffee.

"Bestie, magkwento ka naman sa nangyari sainyo ni Liden kahapon."

Oo nga pala. Wala pa palang ka alam alam si Alliyah sa mga nangyari. Eh hindi ko na nagawang ikwento sakanya kagabi kase dumeretsyo ako kaagad sa room ko.

"Eh ano! Basta masaya."

"Apaka arte bestie!"

"Basta, sobrang napasaya niya ako kahapon. Una, ipinunta niya ako sa isang place na may sobrang ganda ng view. Pangalawa idinala niya ako sa taal volcana, nag bangka kami sa lake then horse back riding. Tapos eto oh binili namin." Ipinakita ko sakanya yung bracelet na nabili namin.

"At para saan naman yang bracelet na yan Marianne?"

"Eh, may manang na nagtinda ng bracelet tapos naawa ata itong si Liden kaya binili raw niya."

   The bad boy meets the good girlWhere stories live. Discover now