CHAPTER 23:DEBATING AT VAN

2.1K 56 0
                                    

Sarah's POV

Ang akin ay akin..kaya gagawin ko ang lahat mapasaakin lang si Liden...kung inaakala ng babae na yan na maiisahan nya ako kay Liden ay nagkakamali sya...akin lang si liden...baka natatanong nyo kung paano ko nalaman at paano ako pumilit na makasama sa simpleng outing nila..alikayo at ikwekwento ko..

*FLASHBACK*
Mahal ko si liden, pero ang mahal nya ay si marrianne, pero si marrianne ay naguguluhan parin sa pagpili kila liden at vincent..so to cut the story short, naging kakuntsaba ko si vincent..sinabi nya saakin na maymagaganap na outing at yun ang kinakatakutan ni vincent kasi daw baka doon aamin o mamimili si marrianne sakanilang dalawa...kaya yoon to cut the story again.. hindi kami papayag ni vincent na magkakatuluyan si marrianne at liden kaya sa outing na magaganap ay may sorpresa o pasabog kaming inihanda..na tyak ikalalayo ng loob nila liden and marrianne..

So back again..eto ako ngayon nasa likuran ng van.. naiinip kasi mag isa lang akong nakaupo rito..ang tanging ginagawa ko lang ay nagfafacebook na nakaearphone...patuloy parin ang pagscroll ko ng bigla akong nagulat ng maynakita ako na video na naka post , magkayakapan sina liden at marrianne sa harap ng maraming tao...so agad ko itong plinay..at nagulat ako sa bandang ending ng biglang hinalikan ni liden sa pisngi si marrianne..and i think sa school nila ito dahil sa dami ng estudyante...
dama ko ngayon ang inis sa hampas lupang babaeng yan..gustong gusto ko syang sabutnutan pero kaylangan kong pigilan ang sarili ko kasi hindi ko pa natatapos ang mission ko..isa pa rito ay nakakainis yung caption, "THE KING AND QUEEN OF CPDU"
so ang tanging naiisip kong gawin ay nagparinig nalang sa van...
"Iba talaga kung makapal...kayang makipaghalikan sa harap ng maraming tao" pagpaparinig ko...sabay tinanggal ko ang earphone at plinay ko sabay sagad ang volume para malaman nila ang tinutukoy ko...nung narinig ni liden ang video agad rin naman nyang hinablot ang cellphone ko...

"Ano yan liden? Hindi mo manlang naisip na napahiya ka jan sa ginawa mo, jan sa paghalik mo sa hampas lupa na babaeng yan" tanong ko..
"Bat ko naman ikakahiya, kung ang taong hinalikan ko ay mahal ko naman" matapang nyang sagot..
"Sabi ko na nga ba..magiging viral to eh...7.3k views, 2k comments and 5.3k shares " pasingit ni alliyah..
"Ano ba! Ok lang yun, wala naman sigurong mali sa ginawa ni liden saakin...at tsaka napaka insecure mo ata saakin eh mas mukha ka namang hampas lupa kesa sakin" pagtatanggol ni marrianne sa sarili nya...
"Baka lang, ikaw na babae ka..nagkakamali ka ng binabangga... hindi mo pa ako kilala..kaya watch and learn" pagmamayabang ko..
"Huy,! Ano ba , tumigil na nga kayong lahat para kayong bata, hoy ikaw babae ka, ikaw sarah ganyan ka ba ninurture sa bahay nyo?" Tugon naman ni vincent..
"Wow! Ang kapal mo namang lalake ka, iba ka rin noh" pagsagot ko muli..

So naiinis na ako ngayon ng sobra, kasi lahat sila ay pinagtutungan ako kaya't walang tigil parin ang pagtatalo namin.. hanggang naputol ang pagtatalo namin ng huminto ang van at nagsalita ang pinsan ni liden na si carl..yung nagdridrive..
"Alam nyo , all of you are immature... kung hindi kayo titigil sa pagtatalo..ay masmabuting bumaba nalang kayo...yan yung mga ugaling enducated person"
Nainis na naman ako sa masasakit na salita ng carl na yan..pero hindi ko na iyon sinagot kasi may point naman sya..kaya hinayaan ko nalang sila at nagearphone ulit ako then pinagpatuloy nalang ulit ang pag sscroll sa facebook at nanahimik nalang...

Marrianne's POV

Kung magsalita naman yang babaeng yan ng hampas lupa akala mo naman pagkaganda ganda...hayst! Mabuti nalang at huminto sya sa kakatalak kung hindi baka na sampal ko na yung bunganga nya...

So ayun matapos ang ilang minutong debatehan namin ay tumigil rin sya...kaya't matiwasay naming binabagtas ngayon ang daan patungong tagaytay...so dahil inaantok na ako ay hinablot ko yung isang part ng earphone ni liden para isuot ko sa kanan kong tenga...sumandal rin ako sa balikat nya at agad na ipinikit ang aking mga mata..

Vincent's POV

Simula kanina at hanggang ngayon ay patuloy parin ay pagsulyap ko sa back mirror ng van para masulyapan ko si marrianne... at naiinis na rin ako sa labingan nilang dalawa..ni liden at marrianne... nakasandal sya ngayon sa balikat ni liden na nakatulog habang hinahaplos naman ni liden ang ulo nito..at kalimitang hinahalikan ang noo ni marrianne...

Ako na kasi ang katabi ni marrianne kanina... unalis pa kasi sya dahil sa tanginang liden nayan...lagi nalang nya akong naiisahan ...at lagi nalang sya ang pinipili ni marrianne... nakakainis na talaga ..ang sarap nyang pagsususuntukin..hayst.

So iniwasan ko muna ang pagsulyap sa back mirror..tumingin nalang ako sa mga dinadaan namin habang nagmumuni muni...
Nang biglang nagulat ako sa lakas ng tawang narinig ko na mula sa tinig ni sarah...dahil sa lakas ng kanyang tawa ay pati si marrianne na nakatulog ay nagising...
"Sino na naman ba yung napaka ingay jan" paputol putol nyang sabi..
"Ako yon, natawa lang naman ako sa pinapanood ko, bakit masama ba?" Pang iinsulto na namang tanong ni sarah..
"Hayst ikaw na naman na babae ka...matuto mong ilugar yang ganyang lakas na tawa" sabi naman ni marrianne..
"Ano ba tumigil na kayo!" pasingit ni liden..
"Wow, hiyang hiya sayo marrianne, kung matuto karin kayang ilugar yung pakikipaghalikan mo" pananagot muli ni sarah...
So dahil naiirita narin ako sa ingay nila ay sumabat na ako sa pagtatalo muli nila..
"Ano ba! Tumigil na kayo...mga walang disiplina" pasingit ko
"Kaya nga, para kayong aso at pusa" padagdag naman ni alliyah...
"Ok na, please! Tumigil na kayo, narito tayo ngayon sa simpleng vacation para magsaya hindi para mag away" tugon ni liden..

So pagkatapos sabihin ni liden yun ay bumalik ulit sa katahimikan ang sitwasyon sa loob ng van...sana ganito nalang hanggang makarating kami ng tagaytay..nakakairita na rin kasi yung mga bunganga nila...hindi nila alam ang limitasyon nila pagdating sa peace and freedom..

Oo, may kalayaan si sarah para tumawa..pero hindi nya iniisp kung may maiistorbo ba sya na tao...tapos nagawa pa nyang makipagtalo...hindi nya alam na narereflect ang ugali ng magulang nya, o kung paano sya pinalaki sa mga pinaggagagawa nya....

-NEXT

   The bad boy meets the good girlWhere stories live. Discover now