CHAPTER 03: FAKE RELATIONSHIP

5.4K 144 4
                                    

Marianne's POV

Ayun nga tinawag ako  ni mommy para ipakilala  sa bago nilang business partner.

"Marianne, say Hi to our new business partner.. Mr. & Mrs. Ravier Lim "

Sa hindi malaman na rason ay bigla nalang akong nagulat. Teka Lim? Sana hindi naman tama itong nararamdaman ko na may connection sila dun sa asungot na lalaking iyon.

"Hi po! Magandang araw po Mr. And Mrs.  Lim." Pagbati ko sakanila kasabay ng masaya kong ngiti

"Ang ganda naman ng anak mo Avery, kamukhang kamukha mo."

Teka, hanuraw? Ako maganda? Malabo ba mga mata ng mga ito. Pero sige nalang tatanggapin ko na, hanuba WHAHAHA.

"By the way, nakwento saamin ng mom mo na sa cpdu ka nag-aaral and 1st year college ka and ang course mo ay Architectural Engineering. It is right Marianne?"

Wow hah! Ano to, bio data? Bakit parang alam naman nila lahat? At bakit naman sana nila tatanungin? Anong pake nila sa background ko? I think sa mga previous business partner nila mom ay hinidi naman nila kami kinausap na gaya ng ganito.

"Ahm yes po. Bakit po?"

"Parang hindi na tayo mahihirapang mapagkasundo sila Avery." Masayang sabi ni Ms. Baniqued

Teka, anong hindi na sila mahihirapan na pagkasunduin? Sino? Naguguluhan na talaga ako at syempre ay kanina pa ako binabagabag nitong kaba ko.

"Marianne, kaklase mo ba ang anak namin? Kaklase mo ba si John Liden Lim?"

Literal na huminto ang takbo ng paligid ko matapos ko iyang napakinggan. Feeling ko galit lang ang bumabalot saakin. Oo, sa tuwing nakikita at naririnig ko ang pangalan na yan ay iritang irita ako. Ang sarap kase niyang balatan ng buhay, apaka yabang akala mo naman kung kinagwapo niya yung paggawa ng kalokohan. Hayst kamukha niya ang ugali niya.

"Ahhh, opo kaklase ko po yang lalaking yan. Bakit po? Ano pong meron sakanya?"

"Marrianne, dahil sila ang bago nating business partner , napagusapan namin na ikaw ay magkakaroon ng FAKE RELATIONSHIP between their son."

Bigla nalang nagdilim ang paligid ko sa mga narinig ko kay mom. Anong fake relationship? Para saan? Teka gulong gulo na talaga ako.

"Mom, naman bata pa ako wala pa akong alam sa mga ganyan at saka may iba akong gusto mayaman din , gwapo at matalino si Clack Vincent Beltran, yung kababata ko " pagtatanggi ko sa sinabi ni mommy

"Basta , kaylangan mong pirmahan itong contract kasi within this month ay pupunta dito si Mr. Dy yung gusto naming ka so-syo sa business natin with Mr & Mrs Lim. Kasi as a business partner kaylangan meron kami at silang anak na magkakatuluyan para maging tagapagpatuloy ng business na sinimulan namin pag kami ay nawala." pag susungit ni daddy.

Kaylangan ba yun? Ang toxic naman ng business world! At bakit ako pa? Sa dinami dami ng pwede kong makafake relationship, bakit yung asungot pang lalaki? Bakit si Liden pa?

"Mom and Dad, sorry but I can't. Wala po talaga akong time sa love love na iyan. At kahit minsan ay hindi po talaga ako naattract sa lalaking yun. Kaya panget po ang magiging connection namin."

"Marianne, umayos ka nga! Hindi naman namin sinabing magiging boyfriend mo siya ng totoo. Fake relationship nga lang diba? Kaya wag kang maarte jan anak."

Wow!, Fake relationship lang? At sino naman makakatiis na maging fake boyfriend yung ganun kapanget na lalaki?

"Tama ang dad mo Marianne."

   The bad boy meets the good girlWhere stories live. Discover now