CHAPTER 31: BRACELET OF FOREVER

1.3K 52 1
                                    

Marianne's POV

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko ngayon, tila nanlalambot muli ang puso ko kay Liden. Ipinapadama niya saakin na sobrang halaga ko sakanya, ipinaparamdam niyang pinagsisisihan niya yung nagawa niya noong nakaraan. Kaya ko minahal si Liden eh, napakaeffort niyang lalake, basta I love him at masaya rin akong malaman na mahal rin niya ako.

Eto kami ngayon sabay naglalakad, ewan ko ba kung ano na naman ba ang gagawin namin at san niya ako ipupunta. Pero di bale na nga, Liden never failed to make me happy naman eh kaya tiyak na masaya yung next activity namin.

"Marianne pagod ka na?"

"Haler!! Why naman mapapagod ako?"

Nagulat ako ng bigla siya dumikit saakin saka niya ako inakbayan habang lumalakad.

"A-ano i-yan"

Para akong ewan, feels ko namumutla na ang face ko, jusko! Kikiligin na ba is me? Huhu! Hindi ko na siya pinigilan at hinayaan ko nalang na akbayan niya ako until we saw a ice cream vendor.

"Liden tara bili Ice cream"

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at agad ko siyang hinila. Natatawa nalang ako kase parang naiinis siya WHAHAHA.

"Manong pabili nga po ng dalawa"

"Anong flavor"

"Cookies and cream"

Nagkatinginan kami ni Liden dahil sabay kami ng pagkasabi. As in sabay. Pati si kuyang vendor na patingin nalang at tila parang napangiti siya.

"Cookies and cream couples pala kayong dalawa. " Natatawang sabi ni manong

"Lah, si manong!"

"Iho, wag mong sasaktan tong girlfriend mo, napakaganda niya at halatang may magandang ugali."

"Manong hindi--"

Hindi pa kase ako tapos magsalita eh ng bigla nalang akong napahinto ng magsalita itong si Liden.

"Oo manong, I wont hurt her and I wil not let her go!"

Sa pagkasabing yan ni Liden ay tumingin siya sa mata ko at napatingin ako sakanya. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko kasalungat ng pagbagal ng takbo ng paligid ko. Ewan ko pero hindi ko maalis ang tingin ko kay Liden. His face is so perfect, mula sa asul niyang mata, makapal na kilay, napakatangos na ilong at pulang labi. Damn!

Bigla nalang naputol yung pagtititigan namin ni Liden ng biglang nagsalita itong si manong.

"Matunaw"

"A-ang a-lin po?"

"Yung ice cream niyo!"

Ala Oo pala, si manong talaga nakakainis. Tumalikod nalang ako at nagsimulang lumakad habang kinakain itong ice cream. Ewan ko kung bakit para akong natatawa na ewan, na parang kinikilig.
Dahil ba sa sinabihan ako ni manong na maganda o dahil sa mga sinabi kanina ni Liden! Gosh!! Tadhana ayusin mo! Chour

Huminto ako ng paglalakad para mahintay ko si Liden. Duh ang tyaka ko naman here kung itong mala artista na kasama ko is iniiwan iwan ko lang.

"Liden! Apaka bagal mo maglakad!"

Ngumise naman siya saka siya lumapit saakin.

"Anong nginingise-ngise mo jaan?" Mataray kong tanong sakanya with matching taas kilay.

"Sus, kunwari ka pa, gusto mo lang na akbayan kita!"

Magsasalita palang sana ako ng bigla niya nalang akong inakbayan at pinagpatuloy muli ang paglalakad. Enebe Liden! Oo na usto ko ng akbay mo siz. Jusko! Ano ng nangyayari saakin? Hayssst.

   The bad boy meets the good girlOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz