CHAPTER 02: AT THE BARELLE CAFE

6.4K 156 6
                                    

Liden POV

"Good bye class"

Sa sinabing yan ni Maam Chaves ay nabuhayan ako, paano ba naman kase ay boring na boring na ako sa kakapakinig sa mga lesson na paulit ulit lang rin naman. Hayst! Sa wakas tapos narin ang klase, wala pa akong mahanap na pwedeng maging barkada kasi puro sila panget and low level skills, hindi kase dito nag-aral yung mga barkada ko nung highschool kaya eto lonely ako at walang makausap o makasama.

Dahil wala akong gagawin ay makakapaglakwatya na rin ako! Gusto ko lang i-relax itong sarili ko, ayaw ko namang pumunta sa mga bars or mambabae dahil wala ako sa mood kaya mag ri-ride nalang ako.

Dali-dali akong pumunta sa parking lot ng school para kunin yung kotse ko. Malapit na ako sa parking lot ng may biglang lumipad na papel papunta saakin. Ang akala ko ay love letter na naman iyon dahil sanay na akong bawat puntahan ko ay may mga babaeng nakabuntot saakin. Sawang sawa na akong maging gwapo!!

Napatingin nalang ako sa papel at nakita kong hindi iyon love letter kaya pinulot ko ito para tingnan, pagkatingin ko ay isa pala siyang advertising paper ng isang bagong bukas na cafe , BARELLE CAFE. Binasa ko ang nakasulat doon

"If you want to be relax just visit our new open cafe named as BARELLE CAFE.. in maharlika street 30095, if you dont have a time to visit us because of occupations you can call our hotline no. 31234 For your orders "

So dahil wala akong magawa or mapuntahan ay napagpasyahan ko nalang pumunta sa cafe nayan kasi favorite ko ang mga waffle at nagcracrave ako ngayon ng cake kaya agad akong sumakay sa kotse ko at binilisan ang pagpapatakbo papuntang Maharlika street...

After a few minutes ay nakarating na ako sa sa bagong bukas na cafe, napawow nalang ako matapos mamangha sa ganda ng cafe. Sa dinami dami ng cafe na napuntahan ko ito palang ang pinakamalinis at pinakamaganda, mukhang pang mayaman lang ito. Dahil sa pagkasabik kong matikman ang waffle nila ay binilisan ko ang pagbaba sa kotse at agad na pumunta sa loob.

Pagpasok ko ,nalanghap ko na agad ang masarap at mabango na amoy ng waffle. Umupo ako sa isang table malapit sa window. Inikot ko ang mata ko sa gawing kaliwa ng may nakita akong babae. Bigla nalang akong natawa dahil siya yung babaeng nakabunggo saakin kanina, si Ms. Baniqued.

Papasok palang siya sa pintuan kaya agad akong tumalikod para hindi niya ako mapansin, baka kung makita niya ako rito ay aalis pa siya. Tiningnan ko lang siya at mabuti naman ay hindi niya ako napansin, kaagad siyang pumunta sa may oder station para mamili.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang taas at mukhang mayaman ang babaeng toh. Pero sobrang losyang naman niya tingnan, epekto siguro ng pag-aaral sakanya.

Maya maya pa ay natapos na siyang mag-order, ayun hawak nya ung cold mocca coffee , cake at isang waffle na nakalagay sa isang tray. Wow hah, pareho talaga kami ng gustong kainin ngayon.

Sa hindi malaman na rason ay biglang nagdemonyo na naman ang isip ko dahil napa-isip ako kung ano ang gagawin ko dahil sabik na sabik na akong gantihan sya o pagtripan siya mula sa nagawa niya saakin kanina. Sorry pero trip ko talagang gawan ng kalokohan ang mga kababaihan kaya patawad na in advance Ms. Baniqued.

Nag-isip ako ng magandang plano para pagtripan siya ng hindi ako napapahiya, hanggang bigla ko nalang nasip na banggain ko rin sya para matapon sakanya yung hawak nya. By that, hindi naman siguro halatang sadya yun kase magaling naman akong umarte.

Excited na akong pagtripan siya at makita ang reaksyon niya sa gagawin ko sakanya kaya agad ako umupo malapit sa kinatatayuan nya. Nang makahanap ako ng tamang tiempo ay tumayo ako at nagkunwari akong napatid sa isang upuan para matulak siya at yun success natumba sya at natapon sakanya yung hawak nya.

"So-sorry Miss!" Ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko para pigilang matawa. Nice one Liden, you did a great job again. Oo, aminado akong hobby ko ang manggrip ng mga babae at proud akong sabihin na masaya akong gawin to WHAHAHA.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, dahil nakakasakit ka" sabi nya habang unti unting lumuluha ang mga mata nya

Pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon. Ang iba ay nagtatawanan at ang iba naman ay nagbubulungan. Kaylangan kong galingan sa pag-arte na hindi sadya ang ginawa ko para hindi naman ako mapahiya kahit paano.

"Miss sorry diko sinasadya nakita mo naman siguro na napatid ako sa upuan" iniabit ko sakanya yung kamay ko para tulungan siyang tumayo pero she rejected it sabay sabing...

"Hindi mo sinasadya, talaga ba? Kase ang alam ko sinadya mo dahil gusto mong makaganti sakin dahil nabangga kita kanina." reklamo nya ulit habang patuloy parin ang pagtulo ng luha nya

"Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo miss pero humihingi talaga ako ng sorry sa iyo, alam ko namang kasalanan ko ang lahat pero sana maunawaan mo ako dahil hindi ko naman ginusto ang nagyari, nakita mo naman sigurong aksidente lang ang lahat."

Tumingin siya sa mga mata ko at kita sa mga mata niya ang inis at galit. Kahit ganun pa man ay hindi parin ako naawa sakanya dahil gaya nga ng sabi ko ay masaya akong pagtripan ang mga babae.

"Ang kapal talaga ng mukha mo noh! Kahit ba naman dito ay ipapahiya mo ako sa harap ng maraming tao? Sige, anong pang gusto mong gawin sakin? Saan mo pa ako susunod na pagtritripan?"

"Sorry talaga miss pero hindi kita naiintindihan, isa pa ay hindi kita pinagtritripan. Wag kang mag-alala babayaran ko nalang yung natapon mo at ipagbibili nalang kita ng bagong damit , jeans at sapatos mo pati narin underwear mo kasi alam ko basa na yan" pagbibiro ko sakanya habang tumatawa.

"STOPPPPPP..." Nagulat ako sa lakas ng pagkasabi nya

"Akala mo may magagawa yang sorry mo tapos nagawa mo pa akong lokohin, sobrang kapal na ata ng pagmumukha mo!" Napalunok nalang ako sa mga sinasabi niya. "Like duh! hindi ko kaylangan yang pera mo kasi mayaman kami ang kaylangan ko ang makabawi"

Makabawi? Abnormal ba siya? WHAHAA, paano naman sana siya makakabawi saakin? Susuntukin niya ako? Isisigaw niya na pinagtritripan ko lang siya? Maratawa nalang talaga ako ng di oras sa babaeng ito eh.

Bigla naman siya tumingin ng seryoso saakin at nagulat nalang ako ng binuhos nya saakin yung natirang laman ng milk tea, pati yung waffle binato nya rin saakin at bigla syang tumayo at sabing...

"Kung ang ibang babae ay nagagawa mong pagtripan, pwes ibahin mo ako! Hindi ako mahina at hindi ako mahihiyang makipagsabatan sayo."

Tumakbo nalang siya ng mabilis papalabas ng cafe, habang ako ay naiwan na nakatayo rito at lahat ng tao ay pinagtitinginan ako.

"Ang tapang naman ni ate girl."
"Gwapo si kuya pero parang walang respeto."
"Nakakahiya yang kuya."

Naiinis nalang ako sa mga sinasabi ng mga tao kaya lumabas nalang rin ako ng cafe. Anong meron ba sa babaeng yun? Ibang iba siya mula sa mga nakilala kong babae. Ginawa ko naman ang lahat para hindi maipakitang sadya yung pangtritrip ko sakanya pero bakit sa huli napahiya parin ako sa harap ng tao? Kainis! Haysst! Hindi pa tayo tapos Ms. Baniqued.

Marrianne's POV

*At the parking lot*

Nakakagigil na talaga yang lalaking yan, sobrang kapal na talaga ng face niya. Walang respeto, parang hindi naturuan ng good manners. Haysst bwiset!! First day of school ko as a collage student sinira nya, tapos first day of pagpunta dito sa barelle cafe sinira nya ulit, abay napaka walang hiya ng impaktitong lalaki na yan. Hayst kakagigil, humanda yan saakin bukas tingnan natin kung sinong di mapapahiya sa harap ng maraming tao.

Dahil sa inis ay umalis na ako at dumeretso nalang sa bahay namin. I hate this day! Sana bukas maputulan na sana ng hininga yung lalaking yun! Bwiset! Pagnakita ko lang talaga siya bukas ay ewan ko nalang! Sarap niyang balatan ng buhay.

After a few minutes ay nakarating na ako sa bahay. Pagpasok ko sa gate ay nakita ko si mom at dad na may kausap, I think yan na yung sinasabing magiging business partner nila dad.

Agad akong bumaba ng kotse at nakita ako ni mom.

"Marianne, cam'on I will introduce you to our new business partner " said mom, lumapit ako sakanya at bigla akong nagulat sa narinig ko....

   The bad boy meets the good girlWhere stories live. Discover now