CHAPTER 46: LEAVING TAGAYTAY

1.1K 36 2
                                    

Marianne's POV

"Bestie ano bang nangyari?"

"Saka ko na ipapaliwanag sayo bestie! Basta gusto ko ng umalis dito!"

"Marianne, uminahon ka muna saglit!"

Dahan dahang lumapit saakin si Alliyah saka siya dumapa upang magpantay kami. Seryoso siyang tumingin sa mga mata ko, napayuko nalang ako bigla at ramdam ko naman na hinawakan ni Alliyah ang dalawang kamay ko.

"Marainne! Anong nangyari? Anong ginawa sayo ni Liden?"

"Alliyah ayaw ko munang pag-usapan yan! Basta please, gusto ko na kasing unalis dito. Nadudurog ang puso ko sa lugar na toh!"

"Ok kung yan ang gusto mo! Pwes, hintayin mo ako at mag-iimpake na rin ako ng mga gamit ko. Sasama ako sayo Marianne!"

Hindi ko naman nagawang pigilan si Alliyah na sumama pabalik sa Makati. I want to go back home! At kaylaingan ko si Alliyah kase alam ko na siya lang ang totoo. Alam ko na maari ko siyang pagsandalan, alam ko sa sarili ko na tutulungan niya akong ilabas ang lahat ng sakit. Alam kong matutulungan niya ako at kaylangan na kaylangan ko siya sa mga ganitong sitwasyon.

After a few minutes ay agad ring nakabalik si Alliyah sa room ko dala ang mga maleta niya.

"Bestie tara na."

Hindi naman na ako nagsalita dahil wala na talaga akong lakas. Pagod na pagod na ako kakaiyak. Tinulungan naman ako ni Alliyah sa mga maleta ko. Agad kaming bumaba ng hotel, mabuti nalang at huminto na ang ulan. Pagkababa namin ng hotel ay nakita ko si Liden, magang maga ang mga mata niya sa kakaiyak, halos hindi maipinta ang mukha niya sa lungkot. Nagkatitigan ang dalawa naming mata pero gaya ng dati ay kirot parin ang nararamdaman ko.

"Marianne saan ka pupunta? Saan kayo pupunta Alliyah?"

"Liden ano-----"

Hinawakan ko ang kamay ni Alliyah para pigilan siya. Hinugot ko ang lahat ng lakas ko para magsalita kahit sobrang nasasaktan ako.

"Liden! Hindi ko na kaya! Siguro ganito rin yung naramdaman ni Vincent noong hindi ko siya pinili dahil sayo. Pero gaya niya, aalis narin ako. Kakalimutan ang lugar na to, kakalimutan ang mga nangyari dito at kakalimutan ka."

Nilabanan ko ang mga luha ko. Ayaw ko kasing ipakita sakanya na mahina ako. Agad ko namang hinila ang maleta ko para umalis. Pansin ko namang hindi na sumunod saamin si Liden kaya nakahinga nalang ako ng malalim at kusa ng tumulo ang mga luha ko. Ang sakit, hindi ako makapaniwala na ganito ang magiging ending namin ni Liden pero kahit ganoon pa man ay kaylangan kong tanggapin. Tanggapin na pinagtagpo lang kami ngunit hindi itinadhana.

_____

Nagrent ako ng private van para pagsakyan namin ni Alliyah pauwi.

"Alliyah sorry nadamay ka pa saakin, sorry kase napilit kitang umalis sa Tagaytay kahit alam kong ayaw mo pa."

"Ano ka ba bestie, pipiliin ko bang magstay sa lugar na yun habang yung bestie ko ay sobrang nasasaktan na?"

Hinawakan ko ang mga kamay ni Alliyah dahil sa puntong ito ay gusto kong magpasalamat sakanya.

"Alliyah sobrang salamat dahil sinamahan mo ako ngayon pabalik. Hindi ko talaga kayang magstay dun eh. Mabuti nalang at nandito ka ngayon para makasama ko, ikaw lang ang totoo sa kanilang lahat! I hate them all!"

"Teka Marianne! Ramdam na ramdam ko yang sakit na nadarama mo, alam kong nabibigatan kana kaya please, Im here para paglabasan mo ng lahat ng sama ng loob!"

Wala akong ibang nagawa kundi yakapin si Alliyah. Umiyak lang ako ng umiyak habang kayakap siya.

"Alliyah, si Liden! Sinaktan ako!"

"Anong ginawa niya Marianne?"

"Pinaniwala niya ako na ako lang. Binulag niya ako sa mga mabubuti niyang ginawa saakin. Pinagmukha niya akong tanga Alliyah!"

"Damn him!!!!"

"Nagmahal naman ako ng totoo pero bakit peke ang kapalit nito? Minahal ko naman si Liden pero bakit pinaglaruan lang niya ako? Pinili ko siya kesa kay Vincent, bakit ganito? Bakit maling tao ang napili ng puso ko?"

"Marianne, may rason ang panginoon kung bakit iyan nangyayari saiyo ngayon! Siguro ay tama ka nga, pinagtagpo lang kayo pero hindi itinadhana. Siguro pinagtagpo lang kayo para matuto! Pinagtagpo lang kayo para mamulat! This is a lesson for you Marianne."

"Kasalanan ko to eh! Pinagmukha kong tanga ang sarili ko. Pinilit ko sa isip ko na mapapalitan na ang fake na namamagitan saamin. Kasalanan ko to Alliyah!"

"Hindi Marianne! Si Liden ang may kasalanan! Si Liden ang tanga! Tanga siya dahil sinaktan ka niya. Tanga siya para paglaruan ang gaya mo. Marianne, you are so beautiful inside and outside kaya siguro hindi kayo itinadhana o nagkaroon ng happy ending dahil you deserve more! Yo deserve a man that can love and care you!"

Napakalas naman ako sa pagkakayakap niya ng may biglang tumawag saakin. Hindi na ako nagtaka na si Liden iyon. Pero ayun nga, I rejected the call and I silented it. Ayaw ko ng marinig ang boses niya. Ayaw ko na siyang makita! Kinuha naman ni Alliyah ang phone ko at parang may binasang message.

"Marianne anong ibig sabihin ni Liden na hindi niya sinasadya ang nangyari?"

Ay oo nga pala, hindi pa alam ni Alliyah ang eksaktong rason kung bakit ako nagkakaganito. Ayaw ko naman munang sabihin sakanya dahil ayaw kong mahirapan siya ng dahil saakin.

"Wala yan Alliyah! Huwag mo na yang pansinin! I-blocked mo narin yang number niya!"

Tiningnan ko si Alliyah at parang biglang nagdilim ang paligid niya habang binabasa ang isang message.

"Ang kapal talaga ng Sarah na toh!"

Dahil narinig ko ang pangalan ng impaktang babae na iyan ay kaagad kong kinuha ang cellphone ko kay Alliyah. Binasa ko rin kaagad ang message niya.

From: Sarah

"Balita ko umalis ka na? Bakit naman ata ang bilis Loser? Hindi mo ba nakayanan yung video na napanood ko? Gusto mo bang i-send ko ulit sayo? Wait for the part 2 WHAHAHHAA!"

Dahil sa galit ay nabato ko ang cellphone ko! Ang kapaaallll! Siya lahat ang may punot dulo ng lahat ng toh! Kasalanan niya lahat! Siya ang sumira sa masaya sana naming gabi ni Liden! Siya ang lahat ng dahilan ng mga sakit na nararamdaman ko!

"Babawi ako sakanya! Maghintay ka ng higanti ko Sarah!!!" Malakas na sigaw ko sa van.

"Bestie uminahon ka!"

Bigla naman akong nakabalik sa pag-iisip ng hinawakan ulit ni Alliyah ang kamay ko.

"Hayaan mo nalang silang dalawa Marianne! Hayaan mo nalang na sila ang magkatuluyan! Total bagay naman sila! Pareho silang kampon ng demonyo!"

"Tama Alliyah! Dapat hindi na ako magpaapekto!"

"Sige mukhang pagod na pagod kang kakaiyak Marianne kaya magpahinga ka muna!"

Dahil sobrang pagod ko nga kakatakbo at kakaiyak kanina ay tama nga si Alliyah, kaylangan kong magpahinga, para narin mabawasan itong sakit na nararamdaman ko. So sumandal nalang ako kay Alliyah para magpahinga na.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko. May panahon rin silang dalawa saakin. Babalik ako! Paghahandaan ko ang paghihiganti ko sakanila. Lilitaw ako bilang bagong Marianne sakanila balang araw! Mararanasan rin nila kung anong pinaranas nila saakin! I will make a revenge na hindi nila inaasahan. Just Wait Liden and Sarah! Wait for my Revenge!


   The bad boy meets the good girlWhere stories live. Discover now