CHAPTER 04 : FIRST FAKE DATE

5K 141 7
                                    


Marianne's POV

"Good morning, good moooooorning world!"

Pagbati ko sa bagong umagang pinagkaloob saakin ng Dyos. Hayst tinatamad na akong pumasok wala na akong gana. Sino ba naman kase ang gaganahin pumasok eh tiyak na pagtritripan na naman ako nung Liden na iyon, Aishh.

Hindi na ako nagmamadali kasi maaga akong nagising ngayon. Kakaiyak ko kase kahapon ay nakatulog ako kaagad. Dumeretsyo ako sa bathroom ng kwarto ko at naghilamos, napatitig ako sa sarili ko sa salamin at muli ko  na namang naalala ang masamang nakaraan, naalala ko na naman na pagpasok ko ngayon ay may fake boyfriend na ako. Napasampal napang ako sa mukha ko at sabay sabing...

"Kaya mo yan Marianne, FAKE RELATIONSHIP  lang ang meron kayo nung asungot na Liden na yun. Pwede mo naman siyang hindi pansinin kase nga fake boyfriend mo lang siya. Saka mo lang siya papansinin kung darating na si Mr. Dy o sa mga harap ng mga magulang niyo."

Hayst nababaliw na talaga ako! Kasi naman eh, hindi ko talaga matanggap. Nakakainis.

Dahil hindi ako nakakain kagabi ay narandaman ko nalang na sumasakit na ang tiyan ko dahil sa gutom kaya agad akong bumaba at agad rin nagsimulang kumain. Nagluto si manang Rosa ng fried rice at scrambled egg, naghanda rin sya ng cake.

"Oh Good Morning Marianne, ang aga mo naman atang nagising ngayon. Hindi ka pa kumain kagabi kaya sige, umupo ka na at ipagkukuha kita favorite coffee mo."

"Manang eh nasan po sila mom and dad?"

"Maaga silang lumabas anak kase may seminar daw sila, at sa pagkarinig ko ay sa Batangas kaya malayo."

Hindi ko na sinagot pa si manang dahil ramdam kong tutunog na itong tiyan ko sa gutom.

"Marrianne anong gusto mong coffee? cold mocca coffe o hot mocca coffe?"

Napahinto nalang ako sa pagkain ko dahil muli ko na namang naalala ang kawalang hiyang ginawa ni Liden sakin sa Barelle cafe. Nakakainis talaga. Bakit ba hindi siya mawala wala sa isip ko? Sinampal ko ulit ang mukha ko para matauhan na ako sa nangyayari. Nakakasawa na kaseng isipin yung mga katarantaduhan na ginawa saakin nung impakto na iyon.

"Okay ka lang ba Marianne? Anong ginagawa mo? May problema ba? kanina ka pa kasi nakatulala at dimo pa sinagot yung tanong ko tapos bigla bigla mo nalang sinampal yang mukha mo."

"Anm okay lang po ako manang. May lamok kase na dumapo sa mukha ko kaya sinubukan kong patayin pero nakatakas."

"Ah ganun ba, okay! Anong coffee anak? Cold or hot?"

"Aahhh wag nalang po manang, ayaw ko na po mag kape never and ever, sawang sawa na po ako sa kape at nanliliksi po ang dugo lalo na kung marinig ko po yang cold mocca coffee na iyan."

"Sure ka bang okay ka lang anak? Parang kakaiba ata ang kinikilos mo ngayon. Tungkol parin ba ito sa lalaking magiging fake boyfriend mo?"

"Manang ayaw ko na pong pag-usapan yan. Sumasakit ang ulo ko sa lalaking yan eh."

Hindi ko na hinintay pang magsalita si manang Rosa dahil baka kung saan pa mapunta itong usapan namin. Tumayo na ako dahil tapos na ako kumain, kaunti lang ang kinain ko kasi nasira yung mood ko dahil naiisip ko na naman yung asungot na lalake.

*****

Natapos na akong naligo at nagbihis. Pumunta na ako sa parking lot ng bahay namin para kunin yung kotse ko. Hindi ko na tinawag si manong Rey kasi kaya ko naman na mag drive at masyado pang maaga kaya okay lang, hindi naman ako malalate.

After 45 minutes ay nakarating na ako sa school. Agad kong pinark ang kotse ko saka ko kinabit yung airpods ko sa dalawang tenga ko at sinagad ang volume kasi gusto ko lang mapag-isa isa yung walang mang iistorbo saakin. Pina-music ko yung kantang fall for you. Grabe ang ganda lang kase at nang nasa chorus na ang kanta ay sinabayan ko ito...

   The bad boy meets the good girlWhere stories live. Discover now