CHAPTER 33: LIKEY

1.3K 45 5
                                    

Marianne's POV

I really enjoyed this day, sa sobrang dami na naming napuntahan ay halos punong puno na ata ng mga shots o litrato itong cellphone ko.

Hindi pa ata napagod si Liden at imagine, may pupuntahan pa raw kame. Sobra sobra na tong ginagawa niya pero duh, ang arte ko naman kung tatanggihan ko siya, alam ko namang maganda yung lugar na pupuntahan namin. And sa museum kanina, jusko nikikilig is me lalo na nung niyakap ako ni Liden. Basta ang taray ng moment na yun.

Natatanong niyo siguro kung bakit parang hindi ako tinatawag or tinetext-an nila Alliyah, well! I turned on my flight mode para di nila ako ma-contact. Eh ayaw ko namang magambala tong araw namin ni Liden no.

Dahil wala akong magawa at ayaw ko namang gambalain si Liden sa pagmamaneho ay pinagmasdan ko nalang ang paligid. Sa hindi malaman na rason ay biglang napaisip ako kay Vincent, alam ko na kase sa sarili ko kung sino ang pipiliin ko, at si Liden iyon. Nasasaktan naman ako na masaktan si Vincent kaya dapat habang maaga ay ihanda ko na ang self ko sa pagtanggap na muli akong iiwan ni Vincent dahil sa magiging desisyon ko.

"Marianne are you okay? Naboboring ka ba at nakatulala ka nalang jan?"

"Gaga, ayaw kita kausapin kase nagmamaneho ka."

"Ok para hindi ka maboring, kakatanhan nalang kita."

Liden, enebe! Magfocus ka nalang sa pagmamaneho mo! Tsarot

"Wag kang ano jan, magfocus ka nalang sa pagmamaneho mo at pagmamasdan ko nalang ang paligid!"

Hindi naman na umimik si Liden kaya't napabalik nalang ako sa pag-iisip. Alam ko sa sarili ko na buo na ang desisyon ko, na si Liden na talaga. Napangiti nalang ako at bigla akong napatingin sa bracelet na binili namin kanina.

Traditional brecelet, sign of our Forever. Sana nga totoo talaga yung powers ng bracelet na to. Ayaw ko na kaseng masaktan. Ayaw ko ng maranasan muli na maiwan. Pero alam ko namang hindi ako sasaktan ni Liden. Mahal ko siya at may tiwala ako sakanya.

After a minutes ay biglang dumami na ang mga tao sa paligid, it means na narito na kame. Pinark ni Liden ang kotse saka madali niya akong pinagbuksan ng pinto. Pagkalabas at pagkalabas ko palang ay natuwa at napa-wow nalang ako sa nakita ko, isang amusement park.

"Liden naman eh!" Natotouch kong sabi

"Wag kang oa jan! Alika na nga!"

Hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako hinila paloob! Nakakinis eh, Liden never failed to surprise me! Huhu.

Liden's POV

So ayun, nandito kami ngayon sa sikat na amusement park here in tagaytay, ang Sky Ranch.

Masaya ako kase kita ko sa reaksyon niya kanina na sobrang na-touch siya. Hapon narin ngayon at wala ng init kaya it is perfect time para dalhin siya rito.

"What ride do you want to try first Marriane?"

"Gusto kong mag bumper car!" Nag pout pa siya sa harap ko kaya hindi ko napigilang matawa at guluhin ang buhok niya.

"Tara na nga, sino ba namang hindi makakatanggi sayo."

Naglakad kami habang nakaakbay ako sakanya. Sana hindi na matapos ang araw na to. Shit ang saya kase. Hindi ko kita sa mukha ni Marianne ang pag-aalala at masaya ako na makita siyang masaya sa mga surpresa ko sakanya.

After a while ay nakarating kami sa bumder car station. Excited na excited si Marianne kaya hindi ko na pinapatagal pa. Bumili ako kaagad ng ticket ng isang bumper car for two seats.

   The bad boy meets the good girlWhere stories live. Discover now