CHAPTER 36: ROMANTIC NIGHT

1.2K 47 6
                                    

Marianne's POV

Bakit ba kase ganito si Liden? Bakit ba kase napaka romantic ng lalakeng toh? Aminado na ako at hinding hindi na makakatanggi na sobrang kinikilig ako sakanya. Bakit ba kase niya to ginagawa? Ganun na ba ako ka special sakanya? Ano ba, ako lang to si Skelly!! Tsarottt.

But seriously, I was so touched by what Liden did, I didn’t know what to say, how I could reciprocate him, Basta ang alam ko lang is sobrang saya ko this day . And now, after he surprised me with his singing along with the piano, he had one surprise pa raw. Gondo ko teh!!

"Liden, why ka naman ganyan? Bakit ba napaka pafall mo?"

Nginisian niya ako saka tinapik ang ulo ko kasabay ng sabing...

"Wag kang mag-alala, sasaluhin naman kita."

Hindi ko alam pero hindi ko na talaga mapigilan ang kilig ko, ramdam na ramdam ko ang mabilis na pag-init at pagkapula ng mukha ko.

"Tingnan mo, nagblublush ka na WHAHA"

Kahit kaylan talaga, oo na kinilig na ako! Eh paano namang hindi? Sino namang hindi kikiligin kung si Liden Lim mismo nagsabi niyan sayo? Pero hindi, dalagang pilipina ako kaya medj pa hard to get! Hanuraw? Ako nga tong sabi ng sabi na gusto ko siya. Tsk! Basta bahala na.

"Ang kapal talaga ng face mo! Kahit kaylang abnormal ka talaga!" Inis kong sabi kasabay ng pagbabatok ko sakanya.

Tumawa nalang siya saka niya ko hinala at ewan ko ba kung saan niya ako dadalhin.

"San na naman tayo pupunta?"

"Basta sumama ka nalang!"

Lumabas kami ng restaurant at pumunta kami sa isang side nito. And guess what! Napakaganda! Yung lakaran namin may mga petals ng rose tapos may mga nakaline na candles.

"Liden, ano na naman toh?"

Ngumise nalang ule siya saka niya ako piniringan!

"Bat pa kaylangan mo akong piringan?"

"Basta"

Nang napiringan na niya ako ay dahan dahan niya akong inilakad. Until huminto rin kami at randam ko ang pag-layo saakin ni Liden. Naghintay ang ng mga 2 minutes hanggang sinabi ni Liden na tanggalin ko na raw ang piring.

Pagkatanggal ko sa piring ay wala na akong makitang Liden. Pero nasa gitna ako na katabi ang isang napakagandang fountain. Sobrang ganda! Ganito yung mga ideal place ng mga babae para sa engagement. Napalibutan ng mga kandila, mga balloons, at petals kasama na ang mga naggagandahang grass, trees and flowers. Basta perfect place for a confession or kahit ano. Pero teka, asan na ba kase si Liden?

Inikot ko ang ulo ko pero wala akong makita. Apaka ano talaga ng lalaking yun.  Subuk-subukan lang talaga akong iwan nun, babaltan ko siya ng buhay. Umupo nalang ako sa may bench katabi ng fountain saka naghintay ng saglit.

Pagkaupo ko palang ay bigla nalang akong nagulat ng biglang naglabas na ng tubig ang fountain. Ang ganda! Nasabayan kase ng mga light effect yung pagdaloy ng tubig. At higit sa lahat, mas ikinagulat ko ng may narinig akong tono ng isang instrumento, kung hindi ako nagkakamali ay violin iyon.

Napatingin nalang ako sa bandang likuran ko dahil doon mismo yung pinagmumulan ng tunog. At laking gulat ko nalang ng makita ko si Liden na nakabagong bihis at siya pa pala yung nagvi-violin na tono ng You are the reason.

Dahan dahan siya muling lumapit sa kinauupuan ko. Hindi ko alam pero bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko. Habang lumalapit siya saakin ay napapatitig lang ako sa mukha niya habang bumabagal ang takbo ng paligid ko. Ewan ko pero sobrang nanlalambot ang puso ko sakanya.

   The bad boy meets the good girlNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ