CHAPTER 07: THE WILD LIDEN

4.2K 108 6
                                    

Marianne's POV

Hindi ko na natuloy yung kwento ko kanina kasi hindi ko kinaya yung tapang nung beer na binili ni Liden, saglit akong nawalan ng malay sa sobrang hilo at sakitng ulo ko. Naramdaman ko nalang na nasa likod akong upaan sa kotse ni Liden at napadungaw nalang ako sa bintana at napagtanto ko na hindi ito yung daan pauwi sa bahay namin kaya tinanung ko siya...

"Uyyy Liden san mo ako dadalhin? Hindi ito yung daanan papunta sa bahay namin, hindi rin naman ito short cut?"

"Doon muna raw kita iuuwi sa bahay namin. Ipinaalamna kita kay Tita Avery, ayaw naman kasi kitang iuwi sainyo ng lasing, baka isipin nila na masamang impluwensiya lang ako sayo."

Teka! Iuuwi ako ni Liden? It means matutulog kaming magkasama? No! I can't resist on it. Pero may point naman siya, kung uuwi ako sa bahay ay tiyak na tatalakan lang ako ni Mom, Dad at ate, kaya hinayaan ko nalang si Liden na iuwi ako sa kanilang bahay, total ay isang gabi lang naman.

So, hinayaan ko nalang siya na magmaneho at pinili kong matulog muna habang nagbyabyahe kami kase sobrang sakit ng ulo ko, kainis kase eh! Ang tapang ko sa part na uminom ng pagkadami daming beer eh sobrang baba naman ng tolerance ko. Aishhhh.

Liden's POV

Binabagtas namin ngayon ang highway ng Rizal street. Pansin ko namang nakatulog na si Marianne, mukhang sobrang lakas ng tama sakanya ng beer.

Sa hindi malaman na rason ay napahinto nalang ako ng pagmamaneho saka ako lumingon kay Marianne. Tinitigan ko lang siya at aaminin kong nagagandahan ako sakanya. Alam kong maganda siya at mas gaganda siya kung babawasan niya ang pagiging studios niya na nagpapalosyang sakanya.

"Maganda ka naman palang babae ka eh." Mahina kong bulong.

Mag papatuloy na sana ako sa pagmamaneho nang  napalingon muli ako kay Marianne ng narinig ko siyang magsalita...

"Kayo kasing mga lalaki wag kayong pabebe, hindi porket sinusungitan namin kayo ay masama na ang tingin namin saainyo kasi sa totoo lang Liden unti unti na rin ako nahuhulog sayo. Una palang ay na-attract na ako sayo dahil gwapo ka pero kakaiba kase ugali mo kaya nabawasan iyon."

Hindi ko alam kung bakit pero parang masaya ako sa mga narinig ko kay Marianne. Bakit ang lakas ng impact nito saakin? Bakit masaya ako? Bakit ganito ang nararamdaman ko kapag kausap ko ang babaeng to? Dont tell me Liden na may gusto ka na sa babaeng yan.

Hindi! Tama, hobby ko ang mangtrip ng babae. At masaya ako dahil malapit ko ng mapagtritripan ang feelings ni Marianne. Oo, walang malisya itong saya kong nararamdaman dahil una palang ay aim ko ng mangtrip ng mga babae at isa na roon itong si Marianne. Pero mukhang mabait naman siya kaya hindi ko ganoon siya sasaktan. Get ready Marianne!

After a few minutes ay narating na kami sa bahay namin, pansin ko namang muling nagising si Marianne pero gaya ng dati ay hindi parin sapat ang lakas niya para tumayo at maglakad kaya binuhat ko nalang siya papasok ng bahay namin.

Marianne's POV

Bigla akong nagising ng huminto ang kotse ni Liden and I think ay nandito na kami sa bahay nila, hindi parin ako makagalaw at makapag isip ng maayos kasi nga ang lakas nung tama saakin nung beer pero may malay na ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Alam kong binubuhat niya ako kasi nararamdaman ko iyon.

"Oh Liden anak, sino ang babaeng iyan?"

"Ahm girlfriend ko po manang, dito ko po muna siya patutulugin kasi nalasing po siya."

"Ay ganun ba? Sige, ihahanda ko na ang guest room."

"Ay wag na po manang. Girlfriend ko naman po siya kaya pwedeng sa kwarto ko nalang siya papatulugin. Sa sofa nalang po ako matutulog."

   The bad boy meets the good girlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora