CHAPTER 40

582 51 1
                                    


KATELYN'S POV

Pagdating mo sa bahay namin ay si Mommy ang sumalubong sakin, Napatakbo agad sya palapit sakin at niyakap.

"Katelyn????"

"Mommy."

"Anong ginawa nila sayo?  Sinaktan kaba nila? Ano????"

Halata sa boses ni Mommy ang pag-aalala. Mali mang isipin pero nakatulong sakin yung ginawang pagdukot dahil ngayon ko nalang ulit naramdaman ang pag-aalala mula sa kanya.

"Ayos lang po ako wala naman silang ginawa sakin."

"Sabi kona nga ba at maililigtas kadin ng daddy mo."

"Si Daddy?"

"Oo hindi ba ang Daddy mo ang tumulong sayo para makatakas?"

"Hi-hindi po,  Pinatakas lang nila ako."

"Ano??? Hindi ang daddy mo ang nagpatakas sayo? Hindi moba alam na pinuntahan ka nya dahil inutusan sya ng mga kumuha sayo na magdala ng napakalaking halaga kapalit mo."

"Si daddy pinuntahan ako?"

"My gosh katelyn!"

Inis na tumayo si Mommy at tinawagan si Daddy.

.................. FLASHBACK....................

'Ito ang pagkain, Kumain kana.'

Kinalas nung lalaki yung tali ko.

'At wag kang magkakamaling gumawa ng kahit na ano dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin ka.'

Kinabahan ako sa sinabi nya pero kinain kona din yung nilapag nya.

'Pakawalan nyo nalang ako dahil wala naman kayong pakinabang sakin eh.'

Kahapon pa kasi ako nandito at mukhang wala talagang balak sila daddy na kunin ako.

'Kailangan kapa namin para masiguro na susunod si Diosdado sa mga kundisyon namin.'

'Asan yung boss nyo? Gusto ko syang makausap.'

'Pwede ba kumain kana lang dyan dahil baka magbago ang isip ko at bawiin koyang kinakain mo.'

Habang kumakain ako ay nakabantay padin sila.

Asan na kaya sila Daddy?

Gumagawa kaya sila ng paraan para makuha ako dito?

Kukunin pa kaya nila ako?

'Tapos kana ba?'

Tango lang ang sinagot ko sa kanya at tinali na nya ulit ako.

Mayamaya pa ay dumating na yung lalaking naka maskara at nag-usap sila. Pagkatapos non ay lumapit naman sya sakin.

'Ano kayang mararamdaman ng Pamilya mo kapag nawala ka?'

'Parang awa nyo na Po pakawalan nyo na ako, Kahit ano gagawin ko sasabihin ko kay Daddy na mababait talaga kayo para hindi na sya magalit sa inyo.'

'Bakit akala moba matatakot kami sa galit nya?.'

'Wala naman kayong mapapala sakin kaya please lang pakawalan nyo na ako.'

'Sana hindi ka maging katulad ng magulang mo.'

Tumalikod sya sakin at nagsimula mula.

Scarlet (The Beautiful Revenge)Where stories live. Discover now