CHAPTER 22

680 63 0
                                    


SCARLET'S POV

Ngayong alam kona na kung nasan si Grace ay humingi ako ng tulong kay Gray at tita Violet dahil bak may iba silang suggestion para mailigtas si Grace.

"Kailangan natin mag-isip ng tamang paraan para mailigtas mo si Grace."

"Bakit ba kasi hindi nalang tayo magpadala ng mga tauhan nyo Madam V. Para iligtas si Grace o di kaya tumawag tayo ng pulis." Suhestyon ni Gray.

"Hindi natin pwedeng gawing yon."

"At bakit hindi? Yun nalang ang magagawa natin. May iba kapa bang naiisip maliba don?"

"Kung gagawin natin yon. Iisipin ng mga Samonte na may kinalaman ako lalo pa't ako lang ang nakakaalm non maliban sa kanila."

Habang tumatagal ang oras ay lalo akong hindi mapakali dahil sa mga oras nato baka pinapahirapan na nila si Grace.

"Kung meron lang sanang ibang tutulong satin katulad nalang ng mga tauhan nila? At hindi nila iisipin na may kinalaman don si Scarlet kaso malabo ata yon, Halang ang sikmura ng mga Samonte kaya takot lahat ng mga tauhan nila."

Kahit si Tita V ay nag-iisip nadin ng paraan para mailigtas si Grace.

"Si kevin? Hindi moba sya pwedeng kausapin? Siguro naman makikinig yon sayo."

"Naisip ko na din yan Gray pero ayokong maging simula yon nag paghihinala nila sakin."

"Napakasama talaga ng mga Samonte nayan! Nasa lahi naba nila ang masasama? Wala bang meron man lang na kahit papano ay iba sa kanila?"

"Tama! Matutulungan nya tayo."

Pagkasabi ni Gray na walang bang naiiba sa kanila ay naisip ko si Katelyn.  Siya ang makakatulong samin.

"Ha? Sino naman?"

"Si Katelyn. Kapatid sya ni Kevin at bunsong anak ni Diosdado at Amanda."

"Hindi ba parang imposible naman ata na matulungan nya tayo? Lalo pa't Pamilya nya yon."

Halata sa boses ni Tita Violet ang pagaalinlangan may point din naman sya walang kasiguraduhan na matutulungan kami ni Katelyn pero ito nalang ang paraang naiisip ko na hindi iisipin ng mga Samonte na may kinalaman ako sa paglaya ni Grace.

"Wag kayong mag-alala iba si Katelyn naniniwala ako na matutulungan nya tayo."

Saglit kong nakilala si Katelyn non pero alam kong mabuti syang tao at iba sya sa Pamilya nya, Kaya sana lang ay matulungan nya kami.

KATELYN'S POV

Lagi nalang ako mag-isa sa bahay dahil lahat sila busy.

"Oh Katelyn? Bakit malungkot ka?" Lumapit sakin si Manang Cecil at tinabihan ako.

"Nalulungkot lang po ako kasi parang anino lang ako sa bahay hindi nila pinapansin kung papansinin man lagi pang napapagalitan kung itrato nila ako parang hindi nila ako Pamilya."
Niyakap ako ni Manang at sinandal sa balikat nya.

"Wag kang mag-isip ng ganyan, Mahal ka nila hindi lang nila sinasabi at pinapakita pero mahal ka nila."

Mahal? Mahal bayong lahat ng sasabihin mo mali? At hindi kapa pakikinggan minsan? Mahal ba yong parang andami nilang sikreto at tatlo lang silang nakakaalam? Matatawag bang pagmamahal yon?

"Mabuti panga po kayo lagi kayong nandyan. Mabuti sa kabila ng lahat ay hindi nyo padin iniiwan ang Pamilya namin?"

"Dahil naging mabuti ang Pamilya nyo sakin."

"Pero manang? Naalala nyo pa poba si Ate ELOISA? yung dating katulong dito?"

Napatingin agad sakin si Manang hindi nya siguro akalain na bigla kong itatanong yon.

Scarlet (The Beautiful Revenge)Where stories live. Discover now