CHAPTER 50

449 38 0
                                    


SABRINA'S POV

Dinalaw ko ulit si Tita Amanda sa kulungan para sabihin sa kanya ang tungkol sa nalaman ko na sigurado akong ikagugulat nya din.

"kamusta Sabrina? May balita naba sa kaso ko? Makakalaya naba ako sa madumi at mabahong lugar nato?"

"Malapit na Tita but for now may kailangan kayong malaman tungkol kay Scarlet."

"What about her?"

"Mali ka Tita WHAT-ABOUT-HIM. Matagal na tayong niloloko ng babaeng yon, Pinaikot nya tayo sa mga kamay nya."

"Could you please just straight to the point na iintriga ako sa mga sinasabi mo eh."

Inabot ko kay Tita Amanda yung mga documents na nakuha ko at pinabasa sa kanya.

"Hindi tunay na babae si Scarlet kundi isang bakla na nagpalit ng katauhan bilang babae. Isa syang malaking fake!" Inis na sabi ko.

"Dating lalaki si Scarlet?"

"Kahit ako di makapaniwala sa natuklasan ko pero yan ang totoo nalaman koyan nang sinundan ko sya."

"Naloko nya tayo napaniwala nya tayo sa katauhang pinakilala nya satin."

"Yes Tita at higit na mas naloko nya si Kevin kung magkataon ay bakla pala ang mapapangasawa ng anak mo."

"And I'm not gonna let that happen! Over My dead body! Kaya madiliin mona ang pagpapalaya sakin Sabrina dahil  hindi nako makapag hintay na isiwalat sa buong mundo ang tinatagong sikreto ng baklang yon. Tingnan lang natin kung makakaya nya ang bagyong hahagupit sa buhay nya."

"Don't worry Tita inaasikaso nayan ni Attorney at sisiguraduhin kong makakalabas kayo dito."

Kita ko sa mga mata ni Tita ang galit dahil sa natuklasan nya pero may halong pananabik para sa paglaya nya.

"Madiliin mona ang pagpapalabas sakin dito dahil kating kati nako na ipamukha sa babaeng yon ang lahat ng duming tinatago nya."

"Ako rin Tita gusto ko makita ang reaksyon nya kung pano sya malugmok sa sobrang kahihiyan."

Binasa pa ulit ni Tita Amanda ang mga information na nakasulat sa papel.

"Vince Andrada? Parang narinig kona ang pangalan nato dati pero hindi kolang maalala kung saan at kailan."

"Nako Tita hindi na importante yon ang importante ngayon ay alam na natin ang totoo."

Napangiti si Tita sa sinabi at mukhang naghahanda na sya sa pasabog na gagawin nya humanda kana Scarlet dahil ikaw naman ang babagsak.


SCARLET'S POV

'WAG MONG PAPATAYIN ANG PAPA KO!!!'

'ASAN NA ANG TAPANG MO SCARLET? DIBA MATAPANG KA?!!'

Gusto kong tumakbo palapit kay Papa pero parang may pumipigil sakin at hindi ko maigalawa ang mga paa ko.

Wala akong nagawa kundi ang tingnan nalang kung paano tadtarin ng bala si Papa.


'PAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!'


Sa katulad na pangyayari ay nakita kong mabawian ng buhay si Papa at wala man lang akong nagawa para iligtas sya.

'You should be thankful Scarlet co'z finally? Magkakasama nadin sila ng Mama mo at ikaw? Susunod kana din.'

'HINDIIIIIIIIIIII!!!!!!!!!!!!!!!'

////

Napabalikwas ako ng bangon isang masamang panaginip lang pala pero parang totoong totoo sya.

Scarlet (The Beautiful Revenge)Where stories live. Discover now