CHAPTER 41

552 60 4
                                    


2 WEEKS LATER

AMANDA'S POV

Ngayon na ang gabing pinakahihintay ko kinuha ko ang mga mamahaling alahas ko para makita ng mga amiga ko na hindi kami totoong naghihirap.

Pero habang nag-aayos ay nakatanggap ako ng isang message at ang sabi 'HUMANDA KANA' kinabahan ako sa nakasulat pero inisip ko na baka padala lang yon ng isa sa mag naiinggit samin kaya hindi ko nalang pinansin.

"Madam Amanda ayos napo ba ang ganitong look tonight?"

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at My gosh! Ang Ganda ko.

Lumabas na yung stylist ko after nya akong ayusan at ligpitin ang mga kalat nya pagkatapos non ay may unknown number ang tumawag sakin.

'Amanda Samonte, This night is gonna be your night! I'll show you the pain the you never felt before.'

'Sino ka!!!!'

Hindi na nagpakilala yung taong tumawag sakin dahil binabaan na nya ako. My gosh! Ayokong magpaapekto sa mga katulad nya! I don't wanna my night!

"Mommy ayos lang po ba kayo??"

Alalang tanong sakin ni Katelyn pagpasok nya sa kwarto ko.

"It's okay. Lets go."

Kung sino man sya ay wala akong pakialam sigurado naman ako na wala lang magawa yung tao nayon.

///////

Bumaba na kami ni Katelyn at nandon nadin si Kevin at Diosdado bawat makasalubong namin ay binabati ako sobrang daming tao ang nandito at napapanood din kami sa mga telebisyon dito sa bayan namin.

Umakyat na ako sa stage para magpasalamat sa mga taong nandito.

"Good evening everyone gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga taong nandito dahil sa pagpunta at pagtanggap nyo sa imbitasyon ko. Sa aking dalawang anak na si Katelyn at Kevin na laging nandyan para suportahan ako at syempre sa isang taong nasa likod na okasyon nato, Siya ang dahilan  kung bakit nangyari to at isa sya sa mga taong pinakatinitingila ngayon walang iba kundi ang ------"

Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil biglang dumilim ang paligid nawalan din ng sounds ang mic. Ko at may lalaking armado na biglang dumating.

Biglang umilaw ang spotlight at tumutok ito sa Isang direksyon at nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakota ko.




"SCARLET DELGADO!"




Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko sa Scarlet.

Imposibleng mangyari to! Patay na sya!





Pero???



Panong???

Napatayo din si Diosdado sa kinauupuan nya at tulad ko halatang gulat na gulat din sya sa pagdating ni Scarlet.

Umakto lang ako ng normal para hindi mahalata ng mga bisita na hindi ko kasama sa party ko.

"Hindi mo naman ako kailangan i-introduce ng ganyan Amanda but anyway HAPPY BIRTHDAY to my future mother in Law."

"T-thank you."

Hindi pwedeng masira ang gabing ito dahil pinaghirapan ko ito at higit sa lahat ito ang kaarawan ko!

SCARLET'S POV

Nagulat ang lahat sa pagdating ko lalong la na ang mag-asawang Samonte.

Para silang nakakita ng multo akala nila napatay nila ako? Pwes hindi sila nagtagumpay dahil masyado pang maaga para sa kamatayan ko at hindi pa tapos ang misyon ko.

Scarlet (The Beautiful Revenge)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ