CHAPTER 36

556 55 0
                                    


GRAY'S POV

Wala na akong inaksayang oras pinuntahan ko agad ang lugar na sinasabi ni Madam V. Antayin molang ako Scarlet paparating nako.

Pagdating ko sa lugar ay naabutan ko ang mga tauhan ni Madam V. Na nililigtas yung mga babae.

"Si Scarlet nakita nyo ba???" Tanong ko sa kanila.

"Nasa loob pa Gray."

Ano! Sobrang kabado na ako ngayon dahil nasa panganib na naman si Scarlet. Tapos may lumapit sakin na isang babae na kung hindi ako nagkakami ay kaibigan ni Scarlet nung si Vince pa sya.

"Ikaw yung body Guard ni Scarlet diba??"

"Oo Ako nga. Asan sya?" Alalang tanong ko.

"Naiwan sya sa loob pinilit ko syang sumama samin pero ayaw nya mas pinili nyang iligtas kami. Please iligtas mo sya."

Tumango lang ako sa kanya at nagmadali nakong pumasok sa loob.
Hinanap ko agad si Scarlet sa loob pero nakailang ikot nako walang Scarlet akong nadatnan. Sh*t baka nakuha na sya ng mga Samonte.

"SCARLET!!!! ASAN KA???!!!!"

Tinawagan ko agad si Madam V. Para malaman ang eksaktong location ni SCARLET.

'Hello Madam? Wala na dito si Scarlet baka sinama na sya ng mga Samonte. Pwede nyo po bang sabihin sakin kung nasan sya?'

'Wala na sya, Nakaalis na sila dyan.'

Lalo akong kinabahan sa sinabi ni Madam V.

Kailangan kong makita at mailigtas si Scarlet bago pa mahuli ang Lahat.

Pinaharurot ko agad ang sasakyan na dala ko para maabutan si Scarlet.



SCARLET'S POV

"Itali nyo sya at siguraduhin nyong hindi sya makakatakas."

Hinila ako ng tauhan ni Diosdado malapit sa isang poste at tinali ang kamay at paa ko don.

Lumapit sakin si Diosdado at tiningnan ako ng masama hindi din ako nagpasindak sa kanya.

"Scarlet Delgado. Isang babaeng bigla nalang sumulpot sa bayang ito at mabilis na nakapasok sa Pamilya namin. Now tell me? Plinano moba ang lahat ng ito?"

Hindi ako sumagot sa tanong nya at nginitian ko lang sya. Hindi pa ito ang tamang oras para makilala nila kung sino ba talaga ako.

"Bakit mo gustong patayin ang asawa ko? At pinatakas mopa lahat ng mga babaeng nakuha namin?"

Hindi ulit ako sumagot sa tanong nya at tinaasan kolang sya ng kilay.

"One last question. Ikaw lang ba talaga ang may gusto nito? O may ibang naguutos sayo?."

Alam kong nanggigil na sakin si Diosdado pero kahit anong sabihin nya at gawin nya sakin ay hindi nya ako mapapaamin.

"Answer me!!!!!!! Hindi ka talaga sasagot?!!!!"

Kinuha ni Diosdado yung hawak na baril ng tauhan nya at tinutuok sakin at nanginginig na sa galit.

"Hindi mopa ako kilala Ms. Delgado at hindi mopa alam kung paano ako magalit kaya umamin kana!?"

"BABARILIN MOKO?!?!?!!! BARILIN MOKO!!!!"

malakas na sigaw ko sa kanya na ikinagulat nya at ni Amanda.

"Sa Lahat naman ng mamatay ikaw pa ang matapang?! Eh kung patayin na kaya kita!!  Gusto mo!!!"

"Sige patayin moko!!!  Sinisiguro ko sa inyo na kapag pinatay nyoko? Parang nagumpisa kayo ng isang gera na hindi nyo gugustuhin! Sa tingin nyo ba basta nalang papayag ang Tita Ko?."

Scarlet (The Beautiful Revenge)Место, где живут истории. Откройте их для себя