CHAPTER 67

760 36 14
                                    


SCARLET'S POV

Iyak lang ako ng iyak ng makaalis si Tita galit talaga sya sa naging desisyon ko.

"Uuwe muna ako samin." Pagpaalam ko kay kevin.

"Sasamahan kita."

"Hindi na Kevin baka lalo lang lumama ang sitwasyon kapag nakita kapa ni Papa."

"Bakit ayaw mona na malaman ng Papa mo ang totoo? Na ako ang Mahal mo. Scarlet kaya naman kita ipagtanggol kasi Mahal kita."

"Kevin hindi mo naiintindihan. Pakiramdam ko sobra ko silang na disappoint sa ginawa ko."

"Na disappoint mo sila? Kaya ngayon nagsisisi kana? At hindi mo kayang panindigan ang desisyon."

Pakiramdam ko nasaktan ko din si Kevin dahil sa mga sinabi ko. Oo ngat nandito ako kasama nya pero parang sinisisi ko naman sya.

"Sorry Kevin."

Yan lang ang salitang lumabas sa bibig ko dahil nilapitan nya ako at siniil ng halik. Halik na hindi ako nagdalawang isip na gumanti ito ang kauna unahang pagkakataon na naghal*kan kami ng parehong may pagmamahal.

"Sige na. Umuwe kana muna kausapin mo ang Papa mo aantayin ko ang pagbabalik mo."
Mahinahong sabi ni Kevin.

Napangiti naman ako sa sinabi nya at sabay yakap sa kanya ng mahigpit at nagpaalam nadin sa kanya.

///

Kahit alam kong galit sakin si Tita ay naglakas loob padin akong pumunta sa bahay para ayusin ang gusot nato dahil ayokong magkaaway kami ni Tita dahil parang nanay kona sya.

"Ma'am Scarlet pasensya napo pero ang bilin  po samin ng tita nyo ay wag daw po kayo papasukin."

Galit nga talaga si Tita dahil maging sa bahay niya ayaw nya akong patungtungin.

"Kuya please kailangan kolang sya makausap."

"Pasensya napo talaga hindi po kayo pwede pumasok."

Mukhang hindi nga talaga ako makakapasok sa pakiusapan kaya ang ginawa ko ay tinulak ko si kuya Guard at mabilis na tumakbo papasok pero agad naman nya akong hinabol, Naabutan nya din ako pag-pasok ko sa loob ng bahay ni Tita at pilit nya ako pinapalabas.

"Tita!!!!!!! Tita Violet!!!!!!! Kausapin nyo ko!!!!"

Nilakasan ko ang sigaw ko para marinig nya na nandito ako.

"Ma'am lumabas napo kayo ako ang malilintikan sa ginagawa nyo eh."

Hilahila ako palabas ni kuya pero biglang dumating si tita kaya binitawan nya ako.

"Anong ginawa mo dito???"

"Madam Violet pasensya napo pero nag pumulit po talaga sya pumasok."

"It's okay iwan muna kami." Pinalabas nya muna ang guard sabay lapit Sakin.

"Tita kausapin mo naman ako."

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa dahil hindi kadin naman makikinig sa mga sasabihin ko kaya para san pa? Kung wala kanang sasabihin makakaalis kana."

"Kung kayo po ba ang nasa posisyon ko? Magagawa nyo bang pigilan ang totoong nararamdam nyo?"

"Scarlet anak na ang turing ko sayo at ayoko kolang na masaktan ka. Kaya ako nagagalit sayo kasi sa isang iglap nawala lahat ng mga plano natin."

"Tita hindi. Hindi nawala yon at hindi mawawala. "

"Matatanggap ko na hindi mo kayang mahalin ng buo si Gray pero ang hindi  matatanggap ay ang mahalin mo ang lalaking yon. Scarlet ginagamit kalang nya  para makuha ang gusto nila na makuha ulit ang  kayamanan nila at para ikaw naman bumagsak sa lupa at kapag nangyari yon iiwan ka nya ng walang natira."

Scarlet (The Beautiful Revenge)Where stories live. Discover now