CHAPTER 28

609 49 2
                                    


SCARLET'S POV

"Gray may sasabihin ako sayo."

"Ano yon?"

"Kami na kasi ni Kevin."

"Talaga? Congrats sa inyo."

Biglang akong na guilty sa sinabi ko dahil biglang nag-iba yung awra ni Gray.

"Galit kaba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Ba't naman ako magagalit? Wala naman akong karapatan diba? Ano nga ba ako sayo?"

Hindi daw sya galit sakin pero tinalikuran nya ako at naglakad palayo. Pero hinabol ko sya at niyakap mula sa likod.

"Gray mahalaga ka sakin kung alam mo lang."

Humarap naman sya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Scarlet bakit hindi? Mahal kita at lahat gagawin ko para lang sa pag-ibig ko sayo kahit ano sabihin mo lang."

"Alam mo kung anong sagot dyan sa mga sinabi mo. Antagal kong inantay to nandito nako hindi nako pwede umatras pa."

"Pero Scarlet? Dahil sa ginawa mong pagsagot kay Kevin ay lalo molang inilalapit sa piligro ang buhay mo."

"Hindi ako natatakot mamatay, Kung kapalit naman non ay makuha ko ang hustisyang kinakailangan ko."

"Pero ako natatakot ako! Natatakot ako na mawala ka sakin!"

Ramdam ko yung pag-aalala sakin ni Gray pero wala ng makakapigil pa sakin.

"Gray kung talagang mahal moko ay hahayaan moko sa mga gusto."

Binitawan ni Gray ang mga kamay ko at naglakad na palayo ayaw ko syang magalit sakin pero wala akong magagawa.

Naglakad nalang ako papuntang pool at dinamdam ang malamig na haplos ng hangin.

"How's your day Scarlet?"

"Kayo po pala Tita. Okay naman po namigay lang po kami ng konting tulong sa mga kabarangay ko dati."

"Masaya ako dahil hindi ka nakakalimot sa pinanggalingan mo."

"Yun po kasi ang turo ng mga magulang ko sakin nung nabubuhay pa sila. Mahirap maging mahirap kaya kung alam mong may kakayahan kang makatuling bakit hindi."

" Ano na palang susunod mong plano Scarlet ngayong hulog na hulog na si Kevin Samonte sayo? At nagawa mo ding takutin ang Pamilya nya."

"Gusto ko muna malaman kung anong nangyari sa mga magulang ko nung gabing pinatay sila."

"So anong gagawin mo?"

"Mag-iimbistiga ako sa bahay nila Tita baka sakaling may makita ako kahit isang palatandaan lang."

"Mag-iingat ka Scarlet."

"Salamat sa paalala tita. Lagi po talaga ako mag-iingat."

"Siya nga pala na ayos nadin ni Mr. Prieto ang mga papers na inutos mo sa kaniya ano nang susunod don?"

"Hahayaan muna natin na magpakasasa ang mga Samonte sa yaman na tinatamasa nila ngayon at sosorpresahin ko sila sa pinakaka importanteng araw nila."

"Magaling Scarlet ang ibang iba kana talaga hindi na ikaw ang dating mahina at walang kalaban laban."

"Lahat po ito ay dahil sa inyo, Utang kopo ang lahat ng ito."

Kung wala si Tita wala ako ngayon sa kinalalagyan ko.

Walang Scarlet na mabubuhay at maghihiganti sa mga taong walang puso.



AMANDA'S POV

"Siguro naman may update kana tungkol sa pinapahanap ko sayo?"

Scarlet (The Beautiful Revenge)Where stories live. Discover now