CHAPTER 18

729 63 3
                                    


KEVIN'S POV

Ngayong araw ay tatanungin ko si Scarlet kung handa na ba sya na maging Girlfriend ko. Mahal na mahal ko sya at hindi kona sya hahayaang mawala pa sakin.

"Wow kuya ang ganda naman nyang hawak mong singsing. Para kay ate Scarlet bayan?"

"Oo para kanya nga. Maganda ba? Sa tingin moba magugustuhan nya?"

"Oo naman kuya ang ganda kaya kahit sinong babae ay magugustuhan yan. Magpo propose kana ba sa kanya?"

Kung pwede nga lang ayon ang gagawin ko pero ayaw ko naman masyadong madaliin si Scarlet lalo pa't nanliligaw palang din ako sa kanya.

"Hindi pako magpopropose kay Scarlet."

"Ganon ba? Good luck sayo kuya. Alam mo bagay na bagay talaga kayong dalawa kasi maganda sya at syempre gwapo ka."

"Ito talagang kapatid binola pako."

"Totoo naman ah."

"Sige na mauna nako."

Excited nako makita si Scarlet at malaman kung anong magiging sagot nya.

Sa isang mall ko pinapunta si Scarlet dahil gusto ko maraming tao ang makakasaksi sa gagawin ko dahil gusto ko malaman nila sa Scarlet ang babaeng mahal ko.

Walang kaalam alam si Scarlet sa gagawin ko kaya sigurado ako na magugulat sya at matutuwa.

.
SCARLET'S POV

Ngayon ang araw na magugulantang ang mga Samonte at kung inaakala ni Kevin na masusurpresa nya ako sa gagawin nya? Pwes nagkakamali sya.

....................FLASHBACK........................

'Hello Grace? Gusto kong maghanda ka dahil isusurpresa na natin si Kevin Samonte.'

'Lagi akong nakahanda Scarlet. Ngayon makukuha kona ang hustisyang matagal na nilang ipinagkait sakin.'

'kailangan konang mauna don dahil kailangan kong simulan ang palabas at ang grand finale? Ay ang pagdating mo.'

'Pero pano mo pala nalaman na ngayon ka tatanungin ni Kevin?'

'Dahil sinabi mismo ng kapatid nya. Mahal  na mahal ni katelyn ang kuya nya at ayaw nya itong masaktan kaya tinawagan nya ako para siguraduhing oo ang isasagot ko.'

'Ganon ba? Sige na. Mag-iingat ka Scarlet.'

'Ikaw din.'

................END OF FLASHBACK..............

Pagdating ko sa mall ay inexpect kona ang mga mangyayari pero nagkunwari padin ang walang alam.

May ilang mga staff na lumapit sakin at binigyan ako ng bulaklak at pagkatpos ay sinabi sakin kung saan ako pupunta.

Habang naglalakad ako papunta kay Kevin ay may magandang tugtog ang narinig sa buong mall madami din taong nakatingin mula baba hanggang itaas
Pagkalapit ko kay Kevin ay agad ko syang tinanong.

"Kevin anong ibig sabihin nito?"

"Scarlet mahal na mahal kita at gusto konag malaman kung anong magiging sagot mo."

"Sagot saan?"

"Can you be my girlfriend?"

Lumuhod si Kevin sa harap ko at kinuha yung singsing na nasa bulsa nya.

Scarlet (The Beautiful Revenge)Where stories live. Discover now