CHAPTER 32

631 53 6
                                    


SCARLET'S POV

"Manang bakit ang daming mga tauhan nila Dito? Asan ba sila Amanda at Diosdado?"

Pagdating ko sa bahay ng mga Samonte ay may madaming nakabantay na mga lalaki hindi ko alam kung anong meron.
Wala din don ang ang mag-asawang Samonte.

"Umalis sila may pinuntahan kasama din si Kevin pero saglit lang daw. Nagpadala sila ng mga tauhan dito para  may magbabantay kay Katelyn."

Tumango nalang ako kay Manang at pinagmasdan ang lalaking nasa loob ng bahay ng mga Samonte. Nakita ko din ang marka ng isang agila sa isa sa mga ito kaya naman naalala ko ulit ang susi na hawak ko.

Habang wala pa ang mga Samonte ay naglibot muna ako sa bahay nila. Malaki ang bahay nato at hindi kopa nagagawang libutin.

Bawat kwarto ay nakakandado kaya hindi ko nagawang pumasok, Naglibot pako sa bahay nila baka sa kaling makita ko kung para san ba talaga ang susing hawak ko Hanggang sa makarating ako sa isang silid at parang hinihila ako papalapit doon katulad ng ibang kwarto ay nakakandado din ito.

"Ate Scarlet??"

"Katelyn???"

"Anong ginagawa mo dito ate??"

"Ah naglalakad lang.  Wala kasi ang kuya mo."

"Pero bakit binubuksan mo ang pinto nayan??"

Mukhang usisain ako ni Katelyn sa nakita nya dapat kasi nag-iingat ako eh.

" Ah eh yon ba?? Sorry ha? Na curious lang kasi ako pero wag kang mag-alala hindi naman ako magnanakaw."

"Pinagbabawal nila Mommy na pumasok dyan sa kwarto nayan kahit ako hindi pako nakapasok dyan."

"Talaga?? Bakit naman?"

"Hindi ko alam ate Pero sa twing magpupumilit ako na pumasok dyan ay pinapagalitan nila ako. Si kuya Nakapasok na dyan pero  hindi nya sakin sinasabi kung ano ang nasa loob nyan."

"Ganon ba? Nako tara na baka makita pa nila tayo at parehas pa tayong malagot."

Niyaya kona paalis si katelyn.  Ano kaya ang meron sa kwartong yon? May tinatago kaya sila doon? Ayon ang dapat kong alamin dahil sigurado ako na may sikretong tinatago ang mag Samonte.

Habang nag-aantay ako sa mga Samonte ay umupo na muna ako at pinagmasdan ang mga lalaking nakabantay.

Mayamaya din naman ay dumating na sila.

"Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka pala dito? Edi sana napasunod kita. Kanina kapa ba nag-aantay sorry may inasikaso lang kami."

"It's okay kevin wala namang problema Kung mag-antay ako nandito lang kasi ako dahil may usapan kami ng daddy about his offer."

"Offer?"

"Sinabihan ko kasi si Ms. Delgado about sa Business partnership with her Tita Violet."

"Bakit hindi ko alam ang tungkol dyan?" Takang tanong ni Amanda.

"Well simply because its between me and your husband. Pero kunv gusto mo makipag partnership sakin wala din namang problema pwede ko naman isalba yung mga nalugi mong negosyo."

"No need. Kaya ko namang magpatakbo ng negosyo ng ako lang."

"Okay sabi mo eh."

Nauna nang umalis si Amanda at pumunta sa kwarto nila hindi nya siguro kayang tumugal na makipagplastican sakin.

"Scarlet  pupunta muna ako sa kwarto ko para makapag usap kayo ni Daddy."

Ngumiti lang ako kay Kevin at sumunod nako  kay Diosdado papunta sa may office room nya.

Scarlet (The Beautiful Revenge)Where stories live. Discover now