CHAPTER 45

518 48 2
                                    


KATELYN'S POV

Bakit kaya ganon magsalita sakin si Mommy?

Parang hindi nya ako tunay anak.
Kung ako lang ang masusunod ayaw kodin naman na nandon sya, Gusto ko magkakasama kaming magpamilya pero wala akong magawa.

Naisip ko munang dalawin si Manang para tanungin tungkol sa ilang mga bagay.

Gusto kolang malaman kung Anong nagtulak sa kanya para gawin yon.
Pagdating sa bahay nila ay sinalubong ako ng anak nya at tinawag din nito si Manang.

"Katelyn anak kumain kana ba? Gusto mo ipaghain kita?"

"Salamat nalang po manang pero busog papo ako."

Tumabi Sakin si manang at hinawakan ako sa kamay.

"Ganon ba? Kamusta ka naman? Ang kuya mo asan?"

"Eto po nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon."

"Pasensya na kayo sakin ha?"

"Bakit po kayo nagsosorry??"

"Kasi kasalanan ko kung bakit napalayas kayo sa bahay nyo at kung bakit nakakulong si Ma'am Amanda. Masakit sakin yung desisyon ko pero alam kong ayon ang tama kong gawin."

Hindi na napigilan ni Manang na hindi umiyak.

"Manang naiintindihan kopo kayo, Kasalanan din naman ng Pamilya namin kung bakit nangyayari to siguro ito yung karma namin."

"Pero anak? Kapag kailangan mo ng matutuluyan welcome na welcome ka dito samin."

Sa totoo lang mas naging nanay pa sakin si Manang Cecil kesa kay Mommy kaya mahal na mahal kodin si Manang.

"Manang may tanong lang po ako? Pano po nalaman ni Ate Scarlet ang tungkol kay Ate Eloisa? Sinabi nyo po ba sa kanya?"

"Hindi ko sinasabi sa kanya, Nagulat nalang ako isang beses sinabihan nya ako na tumistigo laban sa Mommy mo noong una ayaw ko pero kinausap nya ako ng maigi Hanggang sa napapayag nya ako."

"Bakit parang antindi ng galit nya sa Pamilya ko para gawin samin ang lahat ng to."

"Hindi ko masasagot ang tungkol sa bagay nayan pero isa lang ang masasabi ko may ginawa ang Mommy at daddy mo sa kanya kaya ganon nalang ang galit nya."

Mayaman ang Pamilya ni Ate Scarlet posible kayang dahil sa negosyo???

Kaya lahat ng baho ng Pamilya namin ay ilalabas na kasama nadon ang pagkamatay ni Ate Eloisa?

"Kaya ikaw anak lagi mong pipiliin kung ano ang tama, Natutuwa ako kasi lumaki kang mabuting tao."

Naiyak nadin ako dahil naiyak na naman si Manang.

"Dahil po sa inyo, Kahit hindi kopo totoong magulang inalagaan at minahal nyo po ako."

"Naniniwala ako na Ikaw ang magpapamulat sa Daddy at Mommy sa maling ginagawa nila kaya magpakatatag ka lahat tayo dumadaan sa pagsubok pero hindi tayo basta-basta sumusuko."

"Tatandaan kopo lahat ng sinabi nyo."

Naniniwala ako na magiging okay din ang lahat at gagawin ko ang lahat para mabuo ulit kami at magbago ang pananaw nila sa buhay.

Hindi baleng wala kaming malaking bahay at maraming pera basta masaya at sama-sama kami.



SCARLET'S POV

Yung mga perang nakuha namin sa sikretong taguan ng mga Samonte ay ginamit ko para makatulong sa iba.
Nagdonate ako sa ilang foundation, Namigay ako ng mga pagkain sa mga taong nakikita namin sa kalye at binalikan kodin ang mga tao na dahilan kung bakit buhay pako ngayon.
At syempre ang mga tao sa barangay namin.

Scarlet (The Beautiful Revenge)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora