CHAPTER 46

577 51 3
                                    


SCARLET'S POV

Dahil sa pagbigay ko sa Susi ng Agila alam kong gagawa ng paraan si Diosdado para makapasok sa bahay nila kaya naman nagdesisyon ako mag stay muna sa bahay nila kasama si Kevin.

///

Habang nakahiga ako ay Nakarinig ako ng isang malakas na kalabog o parang may nabagsak na isang bagay kaya naman agad akong lumabas una kong pinuntahan ang kwarto kung saan nakatago lahat ng kayamanan ng mga Samonte alam kong doon nanggaling ang tunog nayon dahil wala namang ibang tao dito.

Papunta palang ako ay may nakita akong taong palabas sa kwartong tinutukoy nagulat din sya ng makita nya ako.  Tumakbo sya pero hinabol ko sya at ng mahawakan ko ang  kamay nya ay sinandal ko sya sa may dingding.

"Tauhan kaba ng mga Samonte???!!!!"

Lalo kong diniin ang mukha nya sa pader pero nakahanap sya ng tyempo at nasiko nya ako kaya nabitawan ko sya.

"Bakit ka sasabihin sayo??!"

Bigla syang sumugod sakin at ilang sunod sunod na suntok ang ginawa nya pero nailagan ko lahat. Nasipa ko sya sa tyan at napaatras sya.

"Totoo nga ang sabi nila marunong ka ngang lumaban yun nga lang kulang pa!"

Sumugod ulit sya sakin at isang malakas na sipa ang binigay nya tumama yon sa mukha ko at natumba ako.

Hindi sya basta basta kalaban dahil marunong din sya sa martial arts pero tumayo ulit ako at ako naman ang nagbigay ng mga suntok sa kanya nahawakan nya ang kamay ko at sumuntok sya sakin pero nasalag ko.

Nagkatitigan kaming dalawa at tila binabasa kung Anong susunod na gagawin ng bawat isa.

Kinilos nya ang isa nyang paa akmang papatidin ako pero nauhan ko sya kaya naman sya ang natumba at nahawakan ko sya sa kamay at inikot yon papuntang likod nya at yung isang kamay ko ay pinansakal ko sa kanya.

"Alam kong tauhan ka ng mga Samonte kaya ito ang sabihin mo sa kanila  hindi ako natatakot sa kanila kung gusto nila ng gera pwes ibibigay ko sa kanila!"

"Scarlet!!!"

Napalingon agad ako kay Gray ng tawagin nya ako nawala ako sa focus sa babaeng kalaban ko kaya naitulak nya ako kaya nabitawan ko sya at mabilis na nakatakas hahabulin pa sana sya ni Gray kaya lang pinigilan kona sya.

"Wag mona syang habulin."

"Ayos kalang ba Scarlet???"

"Oo ayos lang hindi naman ako masyado nasaktan."

"Sigurado ako na tauhan na naman yon ni Diosdado talagang hindi sya titigil hanggat hindi sya nakakaganti."

"Wala akong oras makipaglaro sa kanya dahil marami pakong dapat unahing mas importanteng bagay."

"Pero hahayaan mona lang ba sila? Pano kung magpadala sila ulit ng mga tauhan nila at susunod baka mapahamak kana."

Simula ng bumalik ako bilang si Scarlet hinanda kona ang sarili ko sa mga posibleng kapahamakan na mangyayari sakin at handa ako mamatay mapagbayad kolang ang mga may sala at makamit ang hustisyang hinahangad ko.

"Haharapin ko sila at hindi ako natatakot sa ano mang gagawin nila."

Niyakap ko si Gray ng mahigpit pagkatapos kong sabihin yon. 

Isa sa dahilan kung bakit malakas ang loob ko at nagiging matapang ako ay ang mga taong importante sakin.

Hanggat kasama ko sila ay magiging malakas ako at ano mang pag problema at pagsubok ay hindi ako susuko basta basta.


Scarlet (The Beautiful Revenge)Where stories live. Discover now