CHAPTER 10

898 76 1
                                    


VINCE'S POV

"Pwede po ba akong bumalik sa bahay namin? Baka may makita papo kasi akong  bagay na mahalaga sakin."

"Sige pero isama mo si Gray."

"Salamat po."

Nagpasama na agad ako kay Gray pauwe samin. Ngayon nalang ulit ako makakauwe pagkalipas ng ilang buwan pero kailangan ko padin mag-ingat lalo nat alam ng mga kapitbahay ko na wala na ako.

Bago kami umalis ni Gray ay nag suot muna ako ng kulay pula na jacket at nag suot ng shades para hindi ako makilala ng mga tao na taga samin.

"Hindi ba sa gagawin mong ito lalo molang papahirapan ang sarili mo? Dahil tiyak na kapag umuwe ka sa inyo maraming mag-papaalala sayo ng tungkol sa Pamilya mo."

"Hanggat hindi ko alam ang totoong nangyari sa kanila hindi ako matatahimik at lagi ko silang maalala at hanggang hindi ko nakukuha ang hustisya sa ginawa nila samin mananatili ang sakit sa puso ko."

"Pero hindi tayo pwedeng magtagal don mahirap na at baka may makakita sayo."

Tumango nalang ako sa sinabi nya.
Bakit ganon?  Kung sino pa ang may sala sila pa ang nakakalabas at nakakagawa ng mga bagay na gusto nila.

Tapos ang tunay na mga inusente sila pa ang nagtatago at natatakot para sa kanilang kaligtasan.

Dahil sa tagal konang hindi nakabalik dito sa bahay namin ay magulo na ito at puro maalikabok dati kahit ganito lang ang bahay namin masaya naman at may buhay pero ngayon katulad ng puso ko, madilim at malungkot.

Tanging mga larawan lang naming mag Pamilya ang nakuha ko. Pumasok ako sa kwarto para tingnan kung may iba pakong maidadala at sakto nakita ko ang luma kong wallet at doon nakita ko ang isang susi. Ito yung Susi na inabot sakin nung lalaking namatay.

"Ano yang hawak mo?"

"Hindi ko alam kung para saan to pero baka balang araw magagamit ko ito."!

"May iba kapa bang kukunin? Kailangan na natin magmadali dahil baka may makakita satin."

Ang hirap ng kalagayan ko dahil kahit wala akong ginagawang masama ay kailangan kong magtago at maging patay sa mga taong nakakakilala sakin.

"Wala na tara na."

Umalis agad kami ni Gray dahil hindi pwedeng may makapansin na may tao sa bahay namin at higit sa lahat ay walang pwedeng makakita sakin dahil sigurado ako na malalaman din yon ng mga Samonte.

~~~~~~~~~~~~~

Hindi lang kaalaman sa pakikipaglaban ang ipanglalaban ko sa mga Samonte kundi pati ang aking bagong katauhan. Oo, magbabago ako ng katauhan sa tulong nadin ni Ma'am Violet sinabi nya sakin na tutulungan nya daw ako para maging isang babae noong una nag-aalinlangan ako pero sa huli ay pumayag din ako dahil ipinaliwanag niya sakin ang magandang maidudulot nito.

"Maraming magbabago kapag nag-iba kana ng katauhan Vince."

"Alam kopo yon Ma'am Violet pero kung ito po ang paraan para makamit ko ang hustisya ay gagawin kopo atsaka gagawin ko din to para mapalaya na ang babaeng matagal ng nakakulong sa puso ko."

"Hindi nga ako nagkamali sa pagkuha sayo Vince tunay nga napalaki ka ng maayos ng mga magulang mo."

"Syempre kung ano din po ako ngayon ay parte nadin po kayo. Kaya Ma'am Violet maraming salamat po tatanawin kopo itong malaking utang na loob."

"Wag mona akong tawaging Ma'am Violet. You can call me Tita Violet."

"Okay po Tita Violet."

Bago kami umalis ni Tita ay mahigpit nyang binilinan si Gray na sya muna ang mangangalaga sa iba pa nyang mga businesses habang wala kami. 

Scarlet (The Beautiful Revenge)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें