CHAPTER 26

673 58 1
                                    


SCARLET'S POV

...............FLASHBACK.....................

Pagdating namin sa tapat ng bahay ng mga Samonte ay nasa mainit na tagpo na sila at yung dala ni Papa na itak? Ay itataga nya pero.

"Pa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"Mahal!!!!!!!!!!!!!!"

Sabay naming sigaw ni Mama ng masaksihan namin kung pano binaril si Papa ng isa sa mga tauhan ng mga Samonte. Agad namang lumapit si Mama kay Papa at niyakap ito.

"Mahal?????? Lumaban ka wag kang susuko."

"Mahal? Patawad kung hindi kita naipagtanggol."

"Wala yon. Hindi na mahalaga sakin yon dahil ang mas mahalaga ay ang kaligtasan mo."

Nakatulala lang ako sa mga nangyari dati sa mga palabas kolang nakikita ang mga ganitong eksena pero ngayon mismong sa Pamilya kopa nangyari.

"Wow? What a scene. Parang sa pelikula lang ang kaso sad ending dahil pareho kayong mamatay." Sabi nung isang babae.

Tiningnan nya ni Mama ng masama at sa sobrang galit ay nasampal sya ni Mama.

"Napakasama mo!!! Napakasama nyo!!! Hindi kayo mga tao!!! Mag dem*nyo kayo!!!!!!! Dem*nyo!!!!!!"

Isang malakas na sampal naman ang tumama kay Mama dahilan para matumba sya.

"Dem*nyo pala ha??? Pwes makikita mo kung sinong dem*nyo ang kinalaban nyo!!!"

Kinuha nung babae yung baril sa tauhan nya at binaril si Mama.

Doon palang ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at tumakbo palapit sa mga magulang ko.

"Ma??? Pa???? Wag nyo akong iwan lumaban kayo."

"Anak? Lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin ng Papa mo at kahit wala na kami lagi mo sanang dadalhin ang mga itinuro namin sayo."

"Ma wag kayong magsalita ng ganyan, Makakaalis pa tayo dito. Maliligtas pa kayo."

"Anak umalis kana"

"Hindi ko kayo iiwan ni Papa."

"Makinig ka sakin Vince. Kailangan mong iligtas ang sarili mo iwan mona kami ng Papa."

"Pero Ma???"

"Vince wag matigas ang ulo mo! Takbo!!!!!!"

.............END OF FLASHBACK...........

"Ma? PA? Kung nasan man kayo sana maging masaya pinapangako na pagbabayadan ng mga Samonte ang pagpatay nila sa inyo."

Pagdating sa magulang ko ay nagiging mahina ako pero sa kabila nila sila din ang nagiging lakas ko.

"Umiiyak kana naman."
Pinunasan ko agad yung luha ko at humarap kay Gray.

"Kanina kapa ba dyan?"

"Hindi naman, Sakto lang na naabutan kitang umiiyak."

"Ako umiiyak? Hindi ah."

"Anong hindi?" Kinuha ni Gray sakin yung picture ni Mama at Papa."

"Magandang Gabi po Mama, Papa ako pa ang future asawa ng anak nyo kaya lang ayaw pa magpaligaw sakin eh pero doon nadin po papunta yon."

Scarlet (The Beautiful Revenge)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon