CHAPTER 3

986 68 3
                                    


ELOISA'S POV

Pagkatapos kong maghatid ng pagkain kay Ma'am Amanda ay naghatid naman ako sa anak nya na si katelyn.

"Ma'am Katelyn ito napo yung pagkain nyo?"

Hindi nya ako narinig dahil may nakakabit na kung ano sa may tenga nya kaya naman ay tinawag ko ulit sya at ng mapansin nya ako ay tinanggal nya yon at tumingin sakin.

"Pakilagay nalang po dyan. Bago lang po ba kayong katulong?"

"Opo kahapon lang ako nag start."

"Hay si Mommy talaga pinalayas na naman Yung isang katulong." Mahina nyag sabi pero narinig ko naman.

"Ah Ma'am may ipag-uutos pa poba kayo?"

"Wala napo, Salamat po at wag napo kayo mag po sakin at katelyn nalang din po ang itawag nyo sakin tutal mas matanda naman po kayo."

Natuwa naman ako sa inasal ni Katelyn siguro magkakasundo sila ng anak ko kapag nagkita sila.

"Ganon ba? Sige po."
Lalabas na sana ako pero tinawag nya ako.

"Ate saglit lang po. Ano po palang pangalan nyo?"

"Ako si Eloisa"

"Ate Eloisa? Sana po magtagal kayo dito palagi nalang kasi iba-ibang mukha ang nakikita ko."

Ngumiti lang sya sakin at bumalik na ulit sa Ginagawa nya.  Gusto kopa sanang magtanong sa kanya kaya lang baka dirin nya masagot dahil sabi nga ni manang ay mahilig magkulong itong bata nato pero mabait naman daw.

Paglabas ko ng kwarto ni Katelyn ay nakasalubong ko si Sir Diosdado.

"Magandang gabi po ulit."

"Mas maganda kapa sa gabi Eloisa."
Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko na sinabihan nya akong maganda oh nabingi lang ako.

"Po?"

"Never mind. Just get me a coffee then pakihatid sa office room ko."

Tumango nalang ako sa sinabi nya at agad na pumunta sa kusina para gumawa ng kape para kay sir.

"Oh sino ang nagpatimpla sayo nyan?" Tanong sakin ni Manang ng makita nya ako.

"Si sir Diosdado, Ihatid kona lang daw sa office room nya."

Tumingin lang sya sa sakin at hindi na nagsalita.

Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay tinanong ko kay manang kung saan yung office ni sir.

Dahan dahan akong kumatok at pumasok ako ng magsalita na si sir.

"Sir yung kape nyo po."

"Pakilagay nalang sa table."

"Sir ito napo yung kape nyo. Labas napo ako."

"Wait."

Natigil ako saglit at tumayo sya kinauupuan nya dahan dahan syang lumapit sakin at pumuwesto sa likuran ko at hinawakan ako sa braso sabay hawi ng buhok ko.

"Ah sir lalabas napo ako."

Medyo nailang kasi ako sa paghawi nya ng buhok ko.

"Bakit may problema ba?"

"W-wala naman po may gagawin papo kasi ako."

"Bakit parang natatakot ka?"

"Sige sir labas napo ako, Yung kape nyo nandyan na."

Lumabas na agad ako dahil hindi maganda ang pakiramdam ko kay sir. Sana lang talaga
Wala lang yon kay sir.

"Nabigay mona yung kape?"

Scarlet (The Beautiful Revenge)Where stories live. Discover now