"Hala, ang dami na pa lang tao," lumipat sa side ko si Kaye Anne. "Gabi na rin pala. Natagalan ata tayo sa pag-stay sa kwarto natin."

"Eh sa nanood pa tayo ng MAMA awards eh. Anyways, tara na hanapin na natin ang mga kasama natin."

Umatras ako ng isang hakbang. "Kinakabahan ako eh. Nahihiya ako!"

Nagkatinginan naman sina Gail at Kaye Anne saka nila ako tinignan ng 'weh?'/'for real?' Inungasan ko nga sila. "Eh sa nahihiya ako eh! Shy type kaya ako. Nahihiya lang akong ilabas ang shyness ko sa katawan ko. Mahiyain nga kasi ako!"

Nahihiyang ilabas ang shyness? Wow! Kakaiba yun ah.

"In your face, Chloe! Ikaw kaya yung taga-rito. Dapat ikaw ang mag-lead or mag-assist sa amin," sabi naman ni Gail na halatang apurado na niyang makita ang baby love niya. Oohhhhh~ Ako rin pala! Si mhine ko nga pala

"Hindi naman ako totally na taga-rito. Eeehh! Nahihiya ako! My goodness naman." Napatingin ako sa side nina Sandy and Lovely. "Hey, kayo naman ang nag-uumapaw sa confidence diba? Mauna na kayo, please!"

"Why us? We're also shy. Ate Chloe, sabay-sabay nalang tayo na pumasok dun," tinuro niya yung private part ng resort. Dun kasi yung event's place. "Pare-parehas lang naman tayong guests dito."

"Kalurkey 'tong mga ito. Nakakahiya kasi eh! Tignan mo oh, ang daming naka-topless na lalaki. Tapos may mga abs pa. Dun ako nahihiya!" Kinakabahang sabi ko. Naiilang naman kasi ako! Jusmiyo, I can see abs everywhere!

Napatingin na naman kami sa entrance ng private part ng resort. Ang daming mga naka-topless na lalaki tapos may mga naka-two piece na mga guests. Yung iba naman naka-dress pero sobrang nipis lang at kitang-kita namin na naka-bikini rin sa loob. Pinatungan lang nila kumbaga. We felt a bit outcast. Oh ano?! Mag-gaganun din ba kami?

Surelalu!

We can do it!

Yan lang pala eh!

Mas mapuputi, makikinis at sexy kami kesa sa kanila!

Just kidding! Maria Clara naman kami kung maituturing. Conservative ang peg! Ansaveeeeeeeeeh?!

"Grabe naman yun mga ate oh. Napaka-revealing yung mga swimsuits nila," komento ni Sandy sa pinapanuod namin na grupo ng mga babaeng naka-bikini. To think na gabi na at medyo breezy! Sige pa, hangin! Humangin ka pa nang sila'y lamigin! Wahahaha! Rhyme yun ah

"Hey, hanapin na kasi natin sina Tristan," naiinip na sabi ni Gail. Nagmasid-masid ako sa paligid. Maraming cottages na occupied, mahirap naman kung i-checheck namin isa-isa para lang makita sila.

"Grabe naman yun! Nagtipon-tipon ba ang X10, kaya ba hindi man lang natin makita kahit isa sa kanila?" Nag-cross arms na si Kaye Anne. Naiirita na siya obviously. Salubong na ang kilay eh.

"Pasok na kasi tayo, ate!" Sabi ni Sandy. Pinagkunutan ko nga ng noo kaya nginitian niya ako ng pilit, "Sabi ko nga nahihiya tayo. Hehehe!"

Napansin ko naman na mukha kaming shungangers sa pwesto namin kaya hinila ko si Gail sa gilid at sinenyasan ang tatlo na sumunod sa amin. Grabe, di kami makapasok sa loob dahil lang nakakita kami ng abs. Grabe talaga! Kami na ang konserbatibong chuva. Ahahaha.

"Ano ng gagawin natin dito?" Sabi ni Gail.

"Maghihintay. Maya-maya lang, sigurado akong lalabas na sina Kurt dyan at susunduin tayo. I'm sure of that!" Confident kong sabi. Sabay-sabay naman silang nagbuntong-hininga at nagcross-arms.

"Alex, mind if we join your group?"

Nang marinig namin ang pangalan ni Alex, automatic na napalingon kami sa likuran namin. Alam kong maraming Alex sa mundo pero siguro naman sa party na 'to, bihira lang ang may ganung pangalan.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon