[61] Online Serenade

434K 9.8K 5K
                                    

AS PROMISED!

[61] ONLINE SERENADE

GAIL'S POV

***HOSPITAL

"Sige na, Crystal Gail. Magpaalam ka na. Baka ma-late pa tayo sa flight natin. Traffic pa naman dito sa Pilipinas," seryosong sabi ni Lola Almira sa akin.

Napayuko nalang ako para itago sa kanya na nangingilid na ang mga luha ko sa mata. Ayoko talagang sumama kay Lola sa Bohol. Gusto ko sa tabi lang ako ni Kurt hanggang sa magising siya. Sinubukan ko na nga ring kumbinsihin sina Mom at Dad para kausapin si Lola Almira na pabayaan na lang niya ako dito pero wala rin silang nagawa. They both agreed to her as well.

"Lola, hindi na po ba magbabago ang isip niyo?"

"Look at me," she lifted up my chin and look at me straight in the eye. "Para sa inyo rin naman ng anak mo 'to, Crystal Gail. You see, hindi ka masyadong nagkikikilos. Lagi ka nalang nakaupo. For God's sake, masama 'yan sa mga buntis. Tapos, namomroblema ka pa dahil sa fiancée' mo. Knowing Kurt, kahit na saglit lang kami nagkilanlan ng fiancée' mo, nalaman ko na over-protective siya sayo. Hindi niya magugustuhan na pinababayaan mo ang sarili mo pati na rin ang anak mo ng dahil sa kanya."

I nodded my head to her in agreement. Kahit papaano ay may punto naman si Lola. Ang akin lang, napakalayo naman ng Bohol dito sa Maynila. Hindi ko man lang madadalaw-dalaw si Kurt once in a while.

"Lola, kahit sa mansion niyo nalang po sana ako mag-relax. Huwag nalang po tayo lumayo." Nanginginig na ang mga labi ko habang sinasabi yun. These past few months, emotional naman na ako pero mas lumalala lang ngayon. Marahil na rin siguro sa mga pinagdadaanan ko.

"Crystal Gail, napag-usapan na natin ito diba? You need to stay away from stress and also, you need to breathe some fresh air." Ngumiti siya sa akin ng tipid tapos ay hinawakan niya ako sa ulo ko. "Kapag malayo ka kay Kurt, hindi mo mapapansin na mabilis lumilipas ang oras. Naniniwala ako na gigising siya in no time. Now go ahead... Magpaalam ka na."

Pinipigilan ko ang luha ko na pumatak nang makapasok na ako sa kwarto ni Kurt. Ang bigat sa damdamin na pansamantalang lalayo ako sa kanya. I sighed deeply as I pulled out a chair and positioned myself beside his cot. Kung hindi pa ako binati ng Nurse ni Kurt na si Emily, hindi ko siya mapapansin. Masyado kasing occupied ni Kurt ang utak ko.

"Good morning, Miss Gail."

I fainted a smile to her, "Good morning, Emily. Ikaw muna ang bahala kay Kurt ha?"

"Bakit po? Aalis po ba kayo?"

Tumango ako sa kanya. "Kailangan ko raw ma-relax eh. Magbabakasyon kami sa Bohol. Inaasahan kita na aalagaan mo siya habang wala ako. Kapag nagising na siya o nagpakita siya ng signs na nakarecover na siya---" I paused and shifted back my sight to Kurt. "Please call me right away."

Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko siyang yumuko ng bahagya. "O-okay po... Makakaasa ho kayo sa akin. Sige po, Miss Gail, maiwan na po kita."

"Thank you, Emily..."

Nang makalabas na ng kwarto si Emily, pinagsawa ko ang mga mata ko sa kakatitig kay Kurt. Although, kahit kailan, hinding-hindi ako magsasawa na tignan siya. Ayoko lang talaga na mawala siya sa paningin ko.

"Baby love," I reached for his hand and softly caressing it. "Aalis muna ako, Kurt ha? Magbabakasyon lang kami ni Baby Kyra kasama sina Lola. Alam ko naman na makakarecover ka.... Na magigising ka para sa amin ng anak mo. Active baby nga si Kyra eh. Alam kong nagmana siya sayo kasi magkasing lakas kayo."

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon