[51] What If?

417K 9.4K 4.5K
                                    

A/N: Naku naku! Hirap gawan ng POV sa chapter na ito si Nathan kaya next chapter nalang mga dre ha? Pero don't worry, hindi kayo madidisappoint dito. ;)

Stop muna sa pagiging upset sa baby lovers... Actually, compliment sa akin na napaluha ko kayo. >.< Meron pang nanggagalaiti dyan. So, yeah enjoy reading...

[51] WHAT IF

KAYE ANNE'S POV

"Baby love, bilisan mo ang pag-gising mo ha? You need to wake up before I give birth to Kyra. Gusto ko, fully-recovered ka na pag nanganak ako. Pipirma ka pa sa birth certificate ng first baby natin eh."

Nakatitig lang ako kay Gail habang kinakausap niya ang walang malay na si Kurt. Madaming nakakabit sa kanya mga apparatus at talagang madaming galos at pasa ang katawan niya. Kahit sinong makakakita sa condition ni Kurt, for sure maaawa sa kanya. Sabi ng doctor, nasa critical na kalagayan daw si Kurt. Malala raw kasi ang pagkabagok sa ulo niya. Suspetsa niya, higit sa isang beses napuruhan ang ulo nito.

Kusang nangingilid ang luha ko habang pinapanuod ko si Gail kaya naman patago ko itong pinupunusan gamit ang thumb ko.

"At... At saka, diba magpapakasal pa tayo pagkapanganak ko? Kaya bilisan mo dyan gumising kasi matinding p-preparation yun." She giggled as she touched his hand. "Huwag mo akong paghintayin ng matagal ha?"

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa cornered-sofa at nilapitan si Gail. Isinubsob naman niya ang mukha niya sa kamay ni Kurt.

"Gail, why don't you go home for awhile? Magpahinga ka muna sa bahay. Dalawang araw ka ng nandito eh."

She groaned, "Ayos lang ako. Don't worry about me. I'll stay here with Kurt."

"Pero kailangan mong magpahinga, Gail. Buntis ka... Makakasama sayo ang magpuyat."

Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin. She then faint a smile. "Nakakatulog naman ako ng maayos dito, Kaye Anne. Pag umuwi ako sa bahay, sigurado akong hindi ako makakatulog ng maayos. Ayokong iwanan si Kurt dito eh."

I sighed in defeat. Mahirap talaga makipagtalo kay Gail.

"Well then, babalikan nalang kita dito mamaya, Gail. I have to go back to E.H.U na. Free cut lang kasi ako today." I lowered my head to kiss her on the cheek. "Nag-iwan na ako ng pagkain mo dyan sa fridge. Kainin mo yun ha? For sure, magagalit si Kurt nyan 'pag nagpabaya ka sa sarili mo at sa baby niyo."

She nodded. "Thanks, Kaye Anne."

"By the way, uuwi pala ang parents mo tonight. I suppose, they'll check on you. Sige, bye na."

Austin must be waiting for me at the lobby. Sinamahan niya kasi ako pagpunta dito. Pero nagpaalam siya na dun nalang daw siya sa lobby mag-i-stay since nahihilo raw siya sa amoy ng ospital.

Kinuha ko muna ang shoulder bag ko bago lumabas ng kwarto. Pagkaharap ko sa left side ng hallway ay nakita ko siya. My heart automatically thumped hard. Para akong mabibingi sa malakas na pagtibok nito. Sheez! Of all people, bakit siya pa ang makakasalubong ko?! >,<

"Kaye Anne..." Tawag ni Nathan sa akin.

I faked a smile and wiggled my eyebrow as though nothing happened between us. Si Chloe panigurado ang nagbalita sa kanya tungkol sa nangyari kina Kurt.

"... Uhm, pasok ka lang sa loob. Ito yung kwarto ni Kurt." Sabay turo ko sa right side ko. "... Nasa loob si Gail. Sige Nathan, una na ako sayo. I'm going to be late."

Lalagpasan ko na sana siya nang pigilan niya ako sa kaliwang braso ko. And now, we're side by side. Me, facing the north and him, facing south. Mas lalo tuloy akong kinabahan. GHAAAAAAAAAD! Ano ba 'to?!

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon