[75] Stay With Me

412K 9.3K 3K
                                    

[75] STAY WITH ME

GAIL'S POV

It has been a tiresome yet fun day for me. I really enjoyed Wayne and Derrick's company. They made me forget all my problems even just for a day. Ang dami pa nilang pinamiling gamit para sa baby ko. Para namang naging daddy wanna be sila.

"Salamat ulit Derrick and Wayne ha? I really had fun."

Inilapag nila ang mga paperbags sa paanan ko at nginitian ako ng matipid. Sina Chloe at Kaye Anne ay sinundo na ng mga boyfriends nila para ihatid sila pauwi.

"Wala yun. Basta, kapag may kailangan ka, magbuzz ka lang sa unit namin." Derrick winked at me playfully and I just chuckled on what he did.

"Mabuti nga at naisipan mong umuwi na dito, Princess. Kapag inaway ka ulit ni Master, sa amin ka nalang dumiretso." Nagthumbs up pa si Wayne sa akin at ngumiti. "Tatanggalin namin yang stress mo."

"Sus, nakakatouch naman kayo~ Wala talaga kayong kaparis." I smiled brightly to them. "Pare-parehas lang tayong may problema pero nagagawa pa rin nating ngumiti."

"Naku, Princess---" Inakbayan ako ni Derrick at bahagyang ginulo ang buhok ko. "Don't call it problems. Instead, call it challenges. Pagsubok lang yan... Kayang-kaya mo yan! Nandito lang naman kaming siyam na nagugwapuhang nilalang para resbakan ang kung sinumang aaway sayo."

I shot them my playful look, "Really? Eh bakit niyo binuwag ang X10 kung alam niyong pagsubok lang ito?" Tinanggal ko ang pagkakaakbay sa akin ni Derrick at ipinatong ko ang kaliwang kamay ko sa balikat niya. "Come to think of it, involved si Kurt sa mga pagsubok natin. Eh bakit kayong X10 ang naunang nagiba?"

They fell silent. They seemed to find the right words to explain everything.

Wayne then cleared his throat and smiled forcedly at me. "Eh kasi Princess, lahat ng bagay ay may hangganan. Siguro, hanggang dito nalang talaga kami. Yeah, hanggang 8 years lang kami."

"Mahirap i-explain, Gail eh." Derrick caught my attention. He places his right hand inside his pocket and smiled sadly to me. "Tiwala, ang isa sa mga pundasyon para maging matatag ang isang samahan. Kasunod nun ay Loyalty." He shrugged his shoulders and eyed Wayne. "Sa grupo namin, nawala na ang dalawang yun."

Kahit na hindi ko alam kung anuman ang pinagdadaanan ng X10 ngayon, mas pipiliin ko nalang na huwag nalang silang pakielaman. Kagaya nga ng sabi nila, pagsubok lang ito. Time will come and everything will fall into place. Right place it is.

Wayne and Derrick helped me to bring the paperbags inside my unit. Nagpasalamat ako sa kanila bago sila lumabas. I noticed that my unit is covered with silence. Where's Kurt by the way?

Nakapag-ayos nalang ako ng mga pinamili ko at nakahalf bath na pero hindi pa rin umuuwi si Kurt. Hindi na ako magtataka. He must be with Mariz right now. Nakakapagod na ang ganitong set-up. Lagi nalang akong may kahati sa attention ni Kurt. Hanggang kailan ba kami magiging ganito?

It is already 10 in the evening yet I haven't felt sleepy yet. Buti nalang ay pinahiram ako ni Chloe kanina ng libro. She told me that reading a book will help me get away from stress.

I leaned my back on the headboard of my queen-sized bed and started reading the book. As I'm reading the sypnosis of it, thoughts entered my mind all of a sudden. Paano kung habang wala ako palaging nagpupunta si Kurt kay Mariz? Paano kung mahulog na ang loob niya sa kanya?

I shoved my thoughts off and took few deep breaths. As if on cue, the door suddenly opened widely. Both of us got surpised when our eyes met. Ako agad ang unang nag-iwas ng tingin at tumalikod sa kanya.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon