[69] Close

344K 7.8K 2.3K
                                    

[68] CLOSE TO ME

GAIL'S POV

"Let's wait and see the result. Sana, kung pwede lang, pati yang nasa tiyan mo ipa-DNA natin."

Kahit one week na ang nakalipas nang sabihin iyon ni Kurt sa akin, parang fresh pa rin ito sa utak ko na nagpe-play back. Kahit na nasaktan ako sa sinabi niya, hindi ko pa rin yun pinahalata sa kanya. I need to stay strong... Hindi ako pwedeng maging sensitive ngayon. All I need to do is to understand Kurt's situation. Nawalan lang siya ng mga alaala kaya siya nagsisigurado sa mga bagay-bagay.

Kahit naman na naghihinala siya sa pinagbubuntis ko, tinatrato niya pa rin ako ng mabuti. He would still talk to me and ask me certain things from the past. Inaasikaso pa rin naman niya ako at nararamdaman kong pinapahalagahan niya ako... Yun nga lang, may kahati ako sa kanya. Kung ano ang ginagawa niya sa akin, ganun din ang ginagawa niya kay Mariz. Every other day sila kung magkita. Kung hindi sa umaga ay sa hapon siya umaalis para i-meet ang babaeng yun.

Hanggang kailan kaya kami ganito? Paano kung totoo ngang anak ni Kurt ang pinagbubuntis ni Stephanie? Ano nang mangyayari sa amin? Sa amin ni Kurt? Sa amin ng anak ko?

*CLAAAAAAAAASHHHH!!!*

Napasinghap ako nang wala sa sarili kong nabitawan ang hawak-hawak kong baso. Agad-agad akong lumuhod para pulutin ang mga bubog hanggang sa naramdaman kong humapdi ang index finger ko.

"Ouch!"

Narinig ko ang sunod-sunod na yabag ng paa pababa ng hagdan. In just a matter of seconds, I saw Kurt kneel infront of me. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Ayos ka lang, Gail?" Hindi na ako nakasagot dahil dahan-dahan niya akong hinila patayo. He assisted me towards the sink and then he washed my finger through the faucet. "Ano ba kasing nangyari? Gutom ka ba? Let's just eat outside."

One week na akong ganito sa kanya. Hindi naman ako gaanong cold sa kanya. I supposed I'm being civil to him. Hindi pa kasi nawawala yung sama ng loob ko sa kanya dun sa sinabi niya sa akin last week. I'm not mad at him though. Nagtatampo lang ako. Pakiramdam ko kasi, mas pinapanigan niya si Stephanie kesa sa akin.

Nakatingin lang ako sa kamay niya nakahawak sa kaliwang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit pero kusang bumagsak ang mga luha ko nang makita ang engagement ring sa mga daliri namin. Hindi ko na mapigilan ang paghikbi ko. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ang iyakin ko?

"Gail, why are you crying? Does it hurt?" He asked me worriedly.

"Oo, m-masakit..." Dahilan ko nalang. "Pwede bang pakilagyan ng band-aide?"

"Okay, umupo ka muna." Inalalayan niya akong umupo sa chair sa dining table at nagmamadali na siyang pumanhik sa taas para kumuha ng band-aide. Mabilis rin naman siyang nakabalik at agad-agad na pumwesto sa kaliwa ko para ilagay ang band-aide sa sugat ko.

"Diba sabi ko sayo, kapag may kailangan ka, tawagin mo lang ako?" He said in a low tone.

Napalunok nalang ako at marahang pinunasan ang mga luha sa pisngi ko gamit ang kanang kamay ko. "Kukuha lang naman ako ng tubig."

Pagkatapos niyang ilagay iyon sa kamay ko ay tinignan niya ako sa mga mata. "May problema ka ba, Gail?"

Gail... He used to call me Crystal, rather than Gail.

"Nakasuot pa rin pala yan sayo," I smiled sadly while looking at his ring finger. Napatingin rin siya dun at ibinaling ulit sa akin ang tingin niya.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon