[56.1] Ewan

397K 8.7K 1.8K
                                    

A/N: Dahil mas excited pa akong i-update ito kesa sa mga readers ko.. this is my second update for the night. :)

[56.1] EWAN

KAYE ANNE'S POV

Ngayon na ang birthday ni Austin. Actually, 21st birthday na niya ngayon. Kahapon ako bumili ng ireregalo ko sa kanya which is wrist watch nalang. Wala akong maisip na iregalo eh. Oo, ako na ang lame =______=

On the way na ako papuntang Rosette's RestoBar ngayon. Nagpahatid lang ako kay Kuya Mario kahit na nagpumilit si Austin na susunduin niya ako. Hindi naman ako pumayag kasi birthday celebrant siya! Dapat nandun siya sa venue para asikasuhin ang mga bisita niya. Naaaaaks! Girlfriend na girlfriend ang dating ko. ^u^

"Kaye Anne, susunduin pa ba kita mamaya?"

Tinignan ko si Kuya Mario sa driver's seat. Nasa backseat kasi ako ngayon. "Tetext nalang po kita, Kuya."

Speaking of text, kanina ko pa tinetext si Chloe. I kept on convincing her to attend Austin's party. Yun nga lang, ang lagi niyang sagot sa akin ay mas gugustuhin daw niyang samahan nalang si Gail sa ospital. Nakakainis naman. Magsosorry na nga si Austin sa kanilang dalawa ni Nathan tapos hindi pa siya pupunta. Nathan... Wait, pupunta kaya si Nathan?

Traffic pa naman kaya nilabas ko muna ang phone ko. Mas mabuti pang matawagan si Chloe...

Pangatlong ring pa lang, sinagot na niya. ["Oh, Kaye Anne?"]

Automatic na napapout ako. "Chloeeeee~ Samahan mo ako please! Susunduin kita dyan sa bahay niyo... Sumama ka na sa akin... Kawawa naman ako, mag-isa lang akong pupunta."

["Sorry talaga, hindi ako makakapunta. Complete attendance kaya kaming X10 dito sa hospital. Nandito sina Sandy, Lovely, Misty pati yung pinsan ni Kurt na si Megan... Sissy, girlfriend yata ni Arthur yun eh. Hihihi!"]

Grabe... chismis pa ang inatupag. =.=

"Sissy~ Please! Saglit lang tayo... One hour lang tayo tapos diretso na tayo dyan."

["A.YAW... Sorry! Mehehehehe!"]

Napataas ako ng kilay nang pagbabaan niya ako ng tawag. Ano bang problema ng mga tao ngayon?! ~___________~

***

***ROSETTE'S RESTOBAR***

Nagdadalawang-isip ako kung papasok na ba ako o hindi sa loob ng bar. Eeeeh! Ang hirap mag-isa eh. Wala man lang akong kasama. Bakit ba kasi------Arrgh! Bahala na nga, papasok na ako.

Sumalubong agad sa akin ang malakas na tugtog ng banda pagkapasok ko. Ang daming tao. Nag-ipon-ipon sila sa gitna habang nagtatatalon at head bang pa. Mausok. Wild. Basta, typical na party place. Yun nga lang, may nagpeperform na banda sa flatform imbes na ang DJ ang nagpeplay ng party music. Bawat hampas sa drums, napapapitlag ako. Ang lakas maka rock and roll! Parang bubutasin ang drums eh. >.<

♪♪ If only you could hear me shout your name

If only you could feel my love again

The stars in the sky will never be the same

If only you were here ♪♪

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Uwaaaah! Kinakabahan ako. Ang higpit ng hawak ko sa paper bag na regalo ko para kay Austin. Ito ang mahirap sa nag-iisa eh. Parang shunga lang (_ _")

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon