[42.4] Tagaytay Escapade

553K 10.3K 2K
                                    

[42.4] TAGAYTAY ESCAPADE

 

THIRD PERSON'S POV

 

"Pakshet naman oh! Kanina pa tayo naglilibot-libot dito pero hindi pa rin natin mahanap yang pesteng address na yan!" Nababanas na si Derrick habang nagdadrive siya along the streets. Kanina pa kasi nila hinahanap ang address na binigay sa kanila ng branch ng pinagpadalhan ng package para kay Gail.

"Eh hindi naman yata nag-eexist ang address na yan eh," sabi naman ni Kent habang pinagmamasdan ang bawat bahay na nadadaanan nila.

"Sabi na eh." They all looked cluelessly at Jake. Bigla-bigla nalang kasing nagsasalita habang nakapikit at nakapasak ang headset sa tenga nito. "Kung kaya kayo ang magbigay ng death threat sa isang tao, irereveal niyo ba ang complete address mo? Edi tepok kayo kung nagkataon."

"Jake has a point." Alex murmurs kaya tumingin sa kanya si Derrick through the rear view mirror. "Alexander, ano ng gagawin natin?"

Alex rested his back against the back rest of the seat and stared out of the van's window. "Matinik 'yang nagbabanta sa buhay ni Gail ah. Nung una, hindi nadetect kung saang lugar sila nandun noon."

Toffer once tried to detect the location of someone who threatened Gail through facebook. But unfortunately, mukhang magaling din ang taong iyon sa ganitong bagay kaya kahit anong gawing panghahack ni Toffer ay hindi niya nagawa.

"Kapag nakasigurado na ako sa hinala ko," napatingin silang lahat kay Alex na para bang hinihintay kung anumang sasabihin niya. "Saka na tayo kumilos."

"Eh bat hindi pa natin sila harapin? Kung kailan may nangyari na, saka tayo kikilos?" Bira naman sa kanya ni Toffer.

Umiling lang sa kanya si Alex at tinignan sila ng seryoso. "Huwag tayong kumilos hangga't hindi pa tayo sigurado. We're just making things more complicated. Baka imbes na plantsahin natin ang maliit na gusot, baka mas lalong lumaki ito."

Sumang-ayon naman sila lahat sa sinabi ni Alex. Tama nga naman, why take actions if things aren't clear?

"Sino bang pinaghihinalaan mo?" Dustin asks him.

Alex just smiled seriously at them that made Brent replies for him. "According to what Master told us, may naencounter daw silang isang Black Ace member." Saka siya tumingin kay Alex. "Right Alex?"

"Black Ace? Matagal ng buwag yun diba?" Komento naman ni Arthur.

"Buwag man o hindi, pwede pa rin sila kumilos. Mga halang ang bituka nun eh," said Alex with full of convictions. "Subaybayan muna natin sila bago tayo umaksyon. Gawan natin ng paraan para masubaybayan natin sila."

GAIL'S POV

Ang tagal naman ni Kurt! Sasagot lang ng phone call, kailangan pang lumayo! Oh well, ako'y maglilibot-libot muna dito sa Avilon Zoo. Don't worry, kabuntot ko ang mga alipores ko na men in black. 

Pinagmasdan ko yung Philippine crocs. Wala naman silang ginagawa. Basta steady lang... Humawak pa ako dun sa railings at pinagmasdan pa ang mga crocs ng mabuti kaso bigla nalang may humila sa akin.

"Miss Gail, don't come near them." Sabi ni John, yung main BG ko.

"Near ka dyan! May railings naman. Itsurang maaabot nila ako. Amp!" Padabog akong tumawid sa kabilang side at nandun naman yung mga ostritch. Nakakatuwa sila kasi lagpas yung mga necks nila sa cage... Pwede pati silang pakainin.

"Ang pangit niyo na... Bat naglalagas yung feathers ninyo?" 

But as usual, bigla na namang may humila sa akin. "Miss Gail, matutuka po kayo nyan."

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon