[47] All About Dramas

455K 9.9K 3.4K
                                    

[47] ALL ABOUT DRAMAS

GAIL'S POV

Gumising ako ng 7AM ngayon. Wala lang, naalala ko kasi yung sinabi ni Kurt na dapat daw ay maaga ako gumising ngayong araw 'coz we are going somewhere. Nakakacurious nga kung saan eh! Hmpf! Bahala na.

So there, nagshower na ako kaagad at nagbihis syempre. I chose a tangerine maternal dress na knee-length at flat shoes. Naglagay lang ako ng clip sa buhok ko at hinayaan na itong nakalugay. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa full-length mirror dito sa loob ng walk-in closet ko. Uwaaaah! Homigosh. Lumalaki na ang tiyan ko. Hindi ako sanay!

Pagkatapos kong magdrama sa harap ng salamin ay inayos ko na ang dadalhin ko.

"Hmm, ano nga bang dadalhin ko?" Nakatingin lang ako sa harapan ng girly stuffs ko. Bahala na! Basta may dalang phone at wallet, ayos na. "Makababa na nga...."

I went downstairs with a happy smile on my face. Good mood ako ngayon eh! Nakita ko ang mga bodyguards ko na nagkakape sa living room kaya nilapitan ko sila.

"Yow, good morning! May pupuntahan tayo ni Kurt."

Sumagot naman itong si John. "He already informed us, Miss Gail."

"May nasabi ba siya kung saang lugar tayo pupunta?"

"Yes, Miss Gail. We're about to go to Zambales."

Hinayaan ko na silang magbreakfast dun sa condo ko. Ako naman ay lumipat na sa unit ni Kurt. Alam ko naman na ang passcode niya kaya dire-diretso na akong pumasok sa loob. May nakita pa akong ilang miniature na car sa ibabaw ng center table. I remember, may collection nga pala si Kurt na ganun at apparently, ililipat niya na dito sa unit niya ang mga iyon. Sumalubong agad sa akin ang garlic scent coming from the kitchen.

"Mukhang nagluluto siya." I muttered as I went towards the kitchen. At tama nga ako, nakita kong nagluluto si Kurt. Nakatalikod siya sa direksyon ko kaya hindi niya ako napansin. Medyo gulo-gulo pa ang buhok niya at halatang bagong gising pa. He's is only wearing a white plain shirt and a not-so-short-boxers Cuuuuute!

"Good morning, baby love."

Lumingon naman siya agad at nginitian ako nang magtama ang mga tingin namin. "Good morning. Susunduin sana kita sa unit mo after magluto kaso nandito ka na pala." Lumapit na siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi ko. "Let's eat."

Sumunod naman ako sa kanya at umupo sa chair. Tumabi naman siya sa right side ko. "Saan ba tayo pupunta?"

"Kumain ka nalang. You'll find out later when we get there." Sabi niya habang pinagseserve ako ng garlic rice, hotdogs, and creamy scrambled eggs.

"Saan nga?" I know, makulit ako.

Tinignan niya lang ako saka niya pinisil ang ilong ko. "Sa Beach house ni Tracy. Checheck lang natin kung magandang magstay dun."

I rolled my eyes in irritation. Naririndi ako 'pag naririnig ko ang pangalan ni Tracy. "Ayoko dun!"

"Hindi mo pa nga nakikita, ayaw mo na agad."

"Ayoko dun!!"

Nagsimula na siyang kumain habang umiiling-iling pa. Anong iniiling-iling nitong lalaking ito?

"Mag-i-skydive ulit ako." Mahinang sabi niya na rinig ko naman.

"ANO?"

Tinignan niya lang ako na para bang painosente. "I want to go skydiving today."

Mag-i-skydive ulit siya? Kailan ko ba siya huling napanuod na nagskydive? Hmmm, that was 3 years ago. Nung sinabi kong makipagbati siya kay Liam! Ang tagal na pala.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon