[39] Package

555K 11.1K 3.5K
                                    

[39] PACKAGE

KAYE ANNE'S POV

"AAAAAHHH! Chloe, alam kong nagmamadali tayo pero please lang, konting ingat naman sa pagdadrive. Ayokong madaliin ang buhay ko!!"

"Kapag hindi tayo nagmadali sissy, hindi natin maaabutan si Dustin!"

"Saan ba pupunta si Dustin? Pupunta ba siya sa ibang bansa?"

"Shunga! 'Di noh! Hindi pwedeng pumunta ng ibang bansa yun. Susundan lang natin kung saan siya pupunta. Mag-iimbestiga tayo..."

Siguro alam niyo na kung ano'ng ginagawa namin right now. Eto si Chloe, nag-i-speed up sa pagdadrive habang ako ay mahigpit na nakahawak sa seatbelt ko. Jusmiyo! Umo-over take siya palagi, natatakot ako para sa precious life ko!

Ilang minuto lang ay pumasok kami sa isang village. Mukhang exclusive village ito, magaganda ang mga bahay eh. Huminto kami sa tapat ng white gate. White rin yung bahay.

Tumingin ako kay Chloe. Pansin ko, pinagpapawisan siya although malakas naman ang air-con sa loob ng kotse niya. "Chloe, ito na ba yung bahay ni Dustin?"

Umiling lang siya tapos may tinuro siyang bigger house sa left side namin, 10 meters distance from us. "Yun yung bahay nila Dustin. Minsan nalang siya umuwi diyan since may sarili siyang bachelor's pad."

"Eh pa'no mo ba nalaman na nandyan siya ngayon?"

"Tinext ko si Kuya Aldrin kung kamusta na si Dustin. Then, tinanong ko na rin kung nasaan siya."

Tinanggal ko muna yung seatbelt ko kasi hindi ako makahinga ng maayos. You know, hikain po kasi ako. "Kuya niya yung Kuya Aldrin?"

Tumango siya habang nakatingin dun sa bahay nila Dustin. "Yun yung kotse ni Dustin oh. Tsk tsk! Tamad talagang magpasok ng kotse sa garage. Kaya nakakacarnap eh."

Sa pananalita ni Chloe, halata kong namimiss niya na talaga si Dustin. 1 week na yata silang break eh. Grabe, nakakapanghinayang talaga silang dalawa. Almost 3 years na silang together tapos mag-eend lang sa ganitong paraan? I hope they could still fix their problem.

"Gah! Lumabas na si Dustin!" Sabay tulak niya sa braso ko. Tumingin naman ako sa harap, and yeah, Dustin's getting in his car. "We're gonna follow you, Dustin..."' Sabi ni Chloe tapos inisstart niya yung car's engine kaso pinigilan ko siya sa kamay.

"Sissy, hayaan mo munang makaalis. Mahahalata tayo nyan eh! Gangster yan kung nakakalimutan mo. Matalas ang pakiramdam niyan sa mga ganito."

"Okay..."

Gaya nga ng sinabi ko, sinunod naman ni Chloe yun. Talagang maingat kami sa pagsunod sa kotse ni Dustin. Hindi syempre kami dumidikit sa kotse niya. Aba, mahahalata kami. Kotse ba naman ni Chloe ang gamit eh hindi ba naman makilala yun ni Dustin? Oh well, dumidistansya naman kami kahit papa'no.

"Grabehan yan si Dustin! Kaskasero talaga 'pag magdrive..." Inis na sabi ni Chloe. Medyo napag-iiwanan kasi kami dito sa highway. Wala pa namang traffic.

"Hindi naman tayo pwedeng lumapit sa kotse niya. Edi sana pala, yung ginamit nalang natin kotse eh yung service car namin. At least dun, hindi tayo mahahalata."

"Wala na, nandito na tayo eh."

Huminto kami sa gilid ng kalsada nang makita naming pumasok ang kotse ni Dustin sa isang drive-thru ng isang fastfood chain. Oorder yata ng burger, fries, hot choco or sundae o baka naman hashbrown? Kyaaaah! Nagugutom na tuloy ako.

"Chloe, order din tayo? Nagugutom na ako." Sabi ko sa kanya habang nakahawak ako sa tummy ko. :3

"Hindi pwede! Mahahalata tayo ni Dustin."

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon