[28] The Real Him

543K 10.7K 1.7K
                                    

[28] THE REAL HIM

 

 

NATHAN'S POV

 

Saan niya dadalhin si Kaye Anne? Teka, magkakilala naman siguro sila pero bakit parang sapilitan yata yung pagsundo nung Kylie sa kanya? Aish, matawagan nga si kulet. Baka kung anong mangyari dun, eh ako pa naman ang huling kasama niya.

Nilabas ko mula sa bulsa ko ang phone ko saka ko mabilis na hinanap ang contact name ni Kaye Anne. Agad-agad kong priness ang call button at tinapat sa tenga ko. Yun nga lang kung minamalas ka nga naman, imbes na ang beep tone ang marinig ko eh battery empty tone ang tumunog. Pagtingin ko sa screen, napapikit nalang ako sa inis.

"Minsan ka na nga lang gamitin, ngayon ka pa nawalan ng silbi," I muttered under my breath. Pa'no na yan? 

"Nathan!"

Napaangat ako ng ulo at tumingin sa direksyon kung saan nagmula ang boses na tumawag sa akin. I saw Chelsea carrying her books while running towards me. Kahit tumatakbo siya, ang graceful pa rin.

"Oh, Chels?"

Inayos niya muna yung bangs niya saka siya tumingin sa akin. "Pwedeng favor? Important talaga, Nat-Nat!" Yumuko siya kaya napakunot-noo ako. "Lagot ako kay Ate Cherry ko eh."

"Ano naman yun?"

"Pinayagan niya kasi akong gamitin yung kotse niya." Tumingin ulit siya sa akin, malungkot ang mukha niya. "Pagtingin ko ngayon sa kotse, butas na yung gulong. Patay ako nito..." 

Ah, napagtripan yata ng mga walang magawa sa buhay.

"Sige, papapick-up nalang nating yung kotse ng Ate mo or better yet tumawag nalang tayo ng mekaniko."

Napangiti naman siya agad. "Thank you, Nat-Nat. Natataranta na kasi ako. Hindi ko alam ang gagawin ko."

Napatawa ako ng mahina saka ipinasok na sa bulsa ng pants ko ang cellphone ko. Ay, letsugas! Si Kaye Anne nga pala. "Chels, may load ka pa ba?" Tumango naman siya. "Para quits na tayo, pwedeng patawag? Lowbat na kasi phone ko eh."

Pagkaabot niya sa akin ng phone niya na blackberry ay ngumiti lang ako sa kanya as a sign of thanks, saka ko dinial na agad ang number ni Kaye Anne. Kabisado ko naman na ang number niya kaya tuloy-tuloy na ako. Pagkatapos nun ay tinapat ko na ito sa phone ko. Nakailang rings din bago sagutin.

["H-Hello, Chelsea?"]

"Ayos ka lang ba? Naku naman! Sama ka kasi ng sama kung kani-kanino. Kahit babae yan, delikado pa rin. Kapatid ba yan ni Austin?" 

["Nathan? Ah oo..."] Halatang gulat yung tono ng boses niya.

"Saan kayo pupunta?"

["Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Bakit?"] Narinig ko naman na may nagsalita sa kabilang linya. ["Greenbelt tayo."]

["Narinig mo yun? Sa Greenbelt daw."]

"Ah, okay. Mag-iingat ka ah."

["Okaaaay... By the way, ba't mo gamit ang phone ni Chelsea?"]

"Uh? Lowbat na kasi yung akin kaya----"

["Ah, okay. Sige, bye na."]

*TOOT TOOT TOOT*

Tinignan ko lang ang phone ng parang nawiwirduhan. Ang weird talaga nung babaeng yun ngayon. Ano bang meron? Psh.

Binaling ko na ang tingin ko kay Chelsea. Nahuli ko lang siyang nagtetext din. Aba, dala-dalawa ang blackberry. "Huy, dala-dalawa ang phone ah." Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. "Thank you nga pala." Sabay abot ko ng phone sa kanya.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon