[40] At The Hospital

587K 11.3K 7.2K
                                    

 

 

[40] AT THE HOSPITAL

Third Person's POV

Kanina pa siya naghihintay  sa pagbabalik ng nag-iisa niyang kapatid na babae. Nag-aalala siya dito dahil sa kalagayan nito. Simula nang bumalik ito sa normal na kondisyon niya ay napapansin nalang niya na madalas na itong umaalis ng bahay ng walang paalam. Kahit anong pagbabawal niya sa kapatid ay wala pa rin itong pakialam. Kung anuman ang ginagawa ng kapatid niya, ay wala siyang ideya.

Narinig niya ang pagbusina ng kotse sa harapan ng bahay nila. Tumayo na siya dahil sigurado na ang kapatid niya na iyon. Agad-agad siyang pumunta sa gilid ng pintuan para mapindot ang button ng controller ng gate nila. Maya-maya lang ay pumasok na ang hinihintay niya na akala mo ay nanalo sa lotto sa ngiting nakaukit sa labi niya. Nagtaka siya sa ekspresyon nito dahil matagal-tagal na rin itong hindi ngumiti ng ganun.

"Where have you been?" Bungad niya sa kapatid.

She just smiled fiercely at him, "Secret."

"Naaalala mo na ba ang lahat? Sinong pinupuntahan mo?"

She just shook her head in anticipation, "Mind your own business, Kuya. And yeah, to answer your question, hindi ako nakakaalala dahil hindi naman ako nakalimot."

Napabuntong-hininga nalang siya sa sinagot ng kapatid sabay hilot sa sentido nito. "Just leave it to me. Ako na ang bahala sa kung sinumang lalaking tumarant@do sayo. Huwag ka ng masyadong maglalalabas ng bahay."

She just laughed sarcastically as she walked passed her brother.

"Kuya, nagsisimula na ako. Gusto kong tapusin ito sa sarili kong paraan." She twitched her head sideways, "Goodnight, Kuya..."

 

 

KURT'S POV

"Sa totoo lang, tinatamad ako sumabak ngayon." Wayne said as he sat beside me.

"Bakit naman?" Tanong ko saka ako uminom sa beer in can ko.

"Wala lang. Puyat kasi ako, wala akong energy." 

Tumabi naman sa amin si Jake saka niya inakbayan si Wayne. "Ano, Wayne? Break na kayo ng chick mo?"

"Lul, break agad-agad? Asa!"

We're currently staying at our hideout. May built-in gym dito and we're working out a little to ready ourselves for later's fight. Although, hindi naman ako sasali. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-gym. 

"Eh bakit ba? Dun din pupunta yun, Wayne." Asar ni Arthur sa kanya habang nag-lilift siya ng weights.

"Huwag niyo akong igagaya sa inyo na parang nagpapalit lang ng damit kung makapagpalit ng babae." Wayne answered in his irritated tone.

"Mark Wayne, hindi naman kasi ganun yun. For us X8, girls come and go. Hangga't may dumadating na babae, dapat tinatanggap mo hangga't hindi pa dumadating yung the right one para sayo."

We all stared on who just spoke. It's Derrick, na mukhang may prophecy ng pangongolekta ng babae. Tss.

"What? I just said what's my stand about the topic."

"Uso kasi magseryoso, Derrick. Hindi yun nakamamatay." Sabi ni Wayne sa kanya. Kilala ko yan si Wayne when it comes to girls. Nagtatagal lahat ng relasyon niya at isa sa mga sineryoso niyang babae ay yung exchange student from Germany. I can't remember her name though.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon