[21] Super Proxy

519K 11.9K 1.3K
                                    

[21] SUPER PROXY

 

GAIL'S POV

Mahigit fifteen minutes na rin ata nung umalis sina Jake, Wayne, Dustin, Toffer at Nathan para daw magpractice kahit saglit. Medyo mukhang narelieve naman si Darryl ayon sa nakikita ko sa facial expression niya. Natatanaw ko kasi si Darryl na katabi si Ate Lie dun sa may table sa may gilid ng stage. Mukhang walang idea si Ate Lie sa surprise ni Darryl eh. Ano kaya yun? 

Pero kanina pa pala ako nagtataka sa sinabi ni Kurt kanina. Ako raw, nahihilo?! Hindi naman ah.

Kinalabit ko si Kurt sa braso kaya napalingon agad siya na nakataas ang dalawang kilay. "Hindi ako nahihilo, bakit sinabi mo yun kay Nathan kanina?"

Napailing lang siya saka siya tumawa ng mahina, "Kahit gusto kitang marinig na kumanta, si Kaye Anne nalang ang tinuro ko. She'll work on it with Nathan. Yun nga lang, nahihilo pala siya." Napa-shrug nalang ako sa kanya. Hindi ko gets eh. Parang may hindi ako nalalaman talaga.

 Bigla na namang humina yung party music kaya natuon ang pansin namin sa stage. Nandun na naman yung host na alive na alive na.

'Hi guys. It's about time for the main event or whatever you may call this part. Dahil wala pa yung band na supposed to be ay tutugtog ngayon ay may proxy pa rin naman.'

Nandun na sa stage sina Wayne, Dustin, Jake and Toffer. Parang nag-reready ata. Ewan ko kung anong tawag sa ginagawa nila. Nagsosound check ata. Lels =)) Halata naman na sa itsura ngayon ni Kaye Anne na kinakabahan siya kasi pinaglalaruan niya na yung mga daliri niya.

'So, I will not take this any longer. Let's give a warm of applause to----' Napatigil yung host tapos lumingon kay Jake. Tinatanong ata kung anong pangalan ng banda nila. 'So yeah? Let's give it up for Super Proxy!'

"Super proxy?!" Natatawa kong tanong kay Kurt.

"Wala atang maisip na name ng banda. Hahaha," natatawang sagot ni Kurt.

"Eh ano yung former band's name niyo?"

"Basta X10 lang. Yun na yun," sabi niya saka niya hinawakan ang kamay ko. "May I have this dance?"

Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kamay ni Kurt pati na rin sa mukha niya. Bakit ganito pa rin yung effect sa akin? Ngiti pa lang ni baby love, kinikilig na lahat ng internal organs ko? Why oh why?!?!?! 

"Shall we dance, Miss?" Ulit na naman niya.

I smiled to him, kilig eh! "Sure, Mister..." 

"♪♪~Oh thinkin' about all our younger years

There was only you and me

We were young and wild and free~♪♪"

 

 

Nang makarating na kami sa dancefloor ay inilagay ni Kurt ang kamay ko sa magkabilang balikat niya. Sunod naman niyang ipinulupot ang dalawa niyang kamay sa bewang ko. Our eyes are locked to each other. Iba talaga sa pakiramdam kapag kasayaw ko siya. It feels like we're floating.

KAYE ANNE'S POV

 

Nakatitig lang ako kina Kurt at Gail na kasalukuyang sumasayaw sa dancefloor kasama ng ibang couples. Alam niyo yung feeling ng pinapaligiran ka ng mga taong inlove tapos ikaw na sa gilid lang at busog na busog? 

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon