[44] Her Threat

499K 9.9K 2.6K
                                    

[44] HER THREAT

 

GAIL'S POV

Two weeks had passed when the incident happened. Since that day, natatakot na talaga akong lumabas mag-isa. Nakarating din kina Mom yung nangyari dahil na rin sa nagreport ang mga bodyguards ko sa kanila kaya naman sobra silang nag-alala sa akin, lalong-lalo na si Kuya Louis. Dahil din dun, si Kuya Louis na mismo ang nagdesisyon na patigilin na muna ako sa pag-aaral. Wala na akong nagawa... Tama naman siya eh.

It's for our own safety.

Two weeks na rin akong nagkukulong sa unit ko. Aba! Mas gugustuhin ko nang dito nalang ako kesa paglabas ko ay mapatay pa ako. Argh! Kinikilabutan talaga ako tuwing naiisip kong may gustong pumatay sa akin. Kahit anong isip ko, hindi ko talaga alam kung bakit o sino ang gustong pumatay sa akin. Wala naman akong kaaway ah. Hayyy... Please oh good Lord! Pwede po bang i-enlighten Niyo siya para tigilan niya na ako, kami ng anak ko?

Isinandal ko ang likod ko sa backrest ng queen-sized bed ko saka ko niyakap ang dalawa kong binti. I sigh, "Hindi ako mapakali..." 

Sakto naman na pumasok si Kurt sa kwarto ko. Naglinis kasi siya sa living room. Lumapit siya sa akin tapos ay hinaplos-haplos niya ang buhok ko.

"What's wrong, Crystal? Bored ka na ba dito?"

Ipinatong ko ang chin ko sa tuhod ko saka ako tumungo. "I'm fine here, baby love. Don't worry about me."

Hindi naman ako naiinip eh. Bakit naman ako maiinip kung 24/7 ay kasama ko si Tristan Kurt Lee? Yeah, nag-stop na rin siya sa studies niya. Kung natatakot ako para sa sarili ko, mas malaki ang takot niya na mawala ako saglit sa tabi niya. Paranoid na rin kasi siya dahil sa nangyayari. I know, cheesy. 

"Gusto mong papuntahin ko dito sina Kaye Anne?" Umupo na siya sa tabi ko kaya tinignan ko siya.

I shook my head, "Huwag na. Exam week nila, busy yun pagrereview."

"Tell me, anong gusto mong gawin? C'mon, baby love. I know that you're bored." Saka niya hinaplos ang pisngi ko habang nakatitig sa akin.

I pout, "Wala nga, baby love. Ayos lang talaga ako. Iniisip ko lang yung nagtatangkang pumatay sa akin. Tumigil na kaya siya nang tuluyan?" I sighed, "Sana..."

Two weeks na rin kasi ang nakalipas, and so far hindi na naulit ang pagtatangka sa buhay ko. Malamang, hindi naman ako lumalabas ng condo na 'to. Kung lalabas man kami ni Kurt, dun lang kami sa pool area o sa playground pupunta.

Bigla naman sumeryoso ang mukha niya, "Halika nga." Hinila niya ako at ipinayakap sa kanya. He caresses my back gently and whispers, "Huwag mo nang isipin yun. Habang nandito ako sa tabi mo, wala ka dapat ikatakot."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Minsan, yung pagiging mayabang ni Kurt, nakakatulong naman sa pagpapagaan ng loob ko.

"Kurt..." Malambing na tawag ko sa kanya tapos ay kumalas ako sa yakap namin.

"Hmm?"

I smiled to him, "Tara, gawa tayo ng ice cream cake?" Pag-iiba ko sa usapan namin.

Nginitian niya rin ako. "Sure. Ice cream cake? Pa'no ba yun?" 

Nag-indian sit muna ako sa harapan niya habang nakangiti pa rin. "Napanuod ko lang sa commercial ito eh. We need graham crackers and ice cream. Basta layer by layer yun, naka-fill yung ice cream sa bawat layer." 

Tumayo na siya at naghubad ng shirt sa harapan ko. Woah! Ilang beses ko ng nakita ang katawan niya pero hindi pa rin ako nasasanay. 

"May ice cream tayo dyan, right?" Tumalikod na siya at tumungo sa bathroom. "Wala tayong graham crackers. Wait for me. I'll just take a shower." Then off he went inside.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon