[66] The Confrontation

400K 8.8K 4.7K
                                    

[66] THE CONFRONTATION

GAIL'S POV

Wala na akong pakialam kung nanlalabo na ang mga mata ko sa tuloy-tuloy na pag-agos ng luha sa mga pisngi ko. Naguguluhan talaga ako. Ang daming nabubuong tanong sa utak ko. I want to ask all of those questions to them but I decided not to. Masyado na akong pagod. Gusto ko munang magpahinga. Ang sakit na ng buong katawan ko dahil sa byahe. Pero paano ako makakapagpahinga ng maayos nito kung gumugulo sa isip ko ang inasta sa akin ni Kurt kanina?

"W-was he joking?" I asked while my face is buried on my hands. Sana nagbibiro lang si Kurt. Please, tell me he's just joking.

"Gail, mas mabuti siguro kung kausapin nalang natin ang Doctor ni Kurt. Miski nga kami, hindi niya kami nakilala." Sa kalmadong boses na iyon, alam kong si Alex ang nagsalita.

I shook my head in disbelief. Tinignan ko sila isa-isa. They also looked so sad like me. Walang bakas sa mga expressions nila na nagbibiro lang sila. "May amnesia siya??" My voice almost cracked. "T-Teka muna! Sino yung buntis sa loob? Bakit kilala siya ni Kurt? At... At bakit niya tinawag si Kurt ng baby love? Kaano-ano ba nung babae si Kurt?"

Hindi man lang nila ako sinagot o kinibo. Miski si Alex, nakaiwas lang din ng tingin. Kaya naman tumayo na ako at dinaanan sila.

Napahinto ako sa paglalakad nang pigilan ako ni Jake sa braso. "Gail, saan ka pupunta?"

"Gusto kong malaman kung sino ang babaeng yun!"

I saw Derrick raise his hand, "Ako na ang tatawag sa kanya."

Pinagmasdan ko lang na tawagin ni Derrick ang babaeng yun sa loob ng hospital room ni Kurt. I was almost holding my breath when I saw her coming out from inside. Nakangiti pa siya sa amin na para bang walang pinoproblema. Hindi ko alam ang dahilan pero automatikong nang-init na ang ulo ko sa ngiting yun.

"Tawag niyo ako?" She asked while beaming to us.

I slowly walked towards her. Pinunasan ko pa ang mga luha ko sa pisngi ko. "I'm Gail. I'm Kurt's fiancée' by the way and you are?"

Nagulat ako nang kunin niya ang kamay ko. Hindi ko naman inextend sa kanya ang kamay ko.

"Nice to finally meet you again, Gail." She gladly shook our hands, "I'm Stephanie Mariz Valencia... I'm sorry to tell you but I'm Kurt's girlfriend."

My whole body stiffened on what I've heard. Bigla ko ring binitawan ang kamay niya sa pagkagulat. "GIRLFRIEND???? Since when??"

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapatingin pababa sa tiyan niya. Does it mean si Kurt ang ama ng pinagbubuntis niya? Nababaliw na ba siya? IMPOSIBLE YAN.

"Princess..." I felt a hand on my right shoulder.

Napansin ko nalang na nasa likod ko na sina Wayne, Jake, Toffer pati na rin si Alex. I even saw Derrick staring sternly to this Stephanie-girl. As much as I want to pull this woman's hair off her head, pinigilan ko ang sarili ko. Calm down, Gail. Calm down...

"I'm sorry... We've been together since last year. I think, first week of October?" She murmured certainly. "December nang malaman kong nabuntis ako. Itinago namin ito sa lahat... Especially to his friends and family."

Anak ni Kurt ang pinagbubuntis niya? Napapikit ako saglit para alalahanin kung saan ko unang nakita ang babaeng ito. Hindi ako pwedeng magkamali. I've really seen her before. Pamilyar talaga siya sa akin.

"Ayos ka lang, miss? Alam ba naman ni Kurt na girlfriend ka niya noon? Baka naman ilusyon mo lang yan," Toffer asked her sarcastically. Naramdaman ko pang dahan-dahan akong hinila paatras ni Wayne.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon