KABANATA 37

157 7 0
                                    

Kabanata 37


Good Night


--


"I'm hungry..." nakanguso kong sinabi kay Joshua.



He chuckled. Niyayakap nya ako galing sa likod. Pareho naming pinagmamasdan ang napaka gandang ilaw sa baba. It was still cold but I couldn't feel that much because of Joshua's hug.



Umalis sya sa pagkakayakap sa akin at humarap naman ako sa kanya. Tumingin sya sa kaliwa at tinuro iyon.



"May tauhan kami roon. Pwede akong magpaluto."



Tumingin ako sa tinuro nya at tumango.



"Okay!"



Nagtungo nga kami roon. Joshua held my hand. Marami na ngang kubo ang naroon. Sa dulo ay may nakita kaming medyo malaking kubo, mas malaki sa mga kubong nandito. Iyon lang ang maliwanag dahil siguro may nakatira. I didn't know that someone is living here. At... tauhan nila?



"Oh, hijo. Nandito ka pala," anang kalalabas lang na matanda at nakita kami.

"Magandang gabi, Mang Bernardo," bati ni Joshua.

"Magandang gabi po," bati ko rin.



Ngumiti ang matanda at lumapit sa amin. Nagtagal pa ang tingin sa akin ng matanda, nagtataka siguro kung sino ako pero ngumiti pa rin naman sa akin.



"Bakit naman kayo naparito? May kailangan ba kayo?" Tanong ng matanda.

"My girlfriend is hungry. Can you cook for us?" Joshua said.



Napatingin ulit sa akin ang matanda at mas lalong ngumiti. Tumango sya at giniya kami sa kubo na malapit sa amin.



"Oo naman. Maghintay na lamang kayo rito," anang matanda.

"Salamat po," sabi ko.



Mang Bernardo turned on the light in the hut and Joshua and I sat inside. It's just small. Table lang sa gitna at upuan sa gilid. May prutas sa lamesa pero peke lang yata yon. Magkaharap naman kami ni Joshua. Nagpaalam ang matanda at naiwan na kaming dalawa.



"Hindi ba tayo nakaka abala?" Tanong ko kay Joshua.



Umiling sya.



"It's okay."



I nodded. I moved the fruit that on the side because I had been wondering if it was real or fake. When I touched it and it was soft I realized it was fake.



"Akala ko totoo to. Kakain sana ako," sabi ko.

"Are you that hungry?" Si Joshua.



Tumango ako sa kanya.



"Ang dami ko nang nakain kanina kasama si Javier pero gutom pa rin ako."



Nagdilim bigla ang mga mata nya.



"Kanina mo pa kasama ang lalaking yon?"

"Uh... Namasyal lang naman kami dahil kauuwi nya..." paliwanag ko.



He sighed.



"Gaano katagal mo na syang nakakasama?"



Nag isip ako.



"Matagal na. Simula nung nag aral ako sa Spain."

"And he's always kissing you like that?"

"O-Oo. Pero bilang kaibigan lang naman. Iba kasi sa ibang bansa. Ganon i-greet ng mga lalaki ang mga babaeng kaibigan nila."

Choosing my Forever (Book Two)Where stories live. Discover now