KABANATA 21

149 7 0
                                    

Kabanata 21

Happy

--


Ilang araw ang nakalipas. Palaging bumibisita rito sina Sofia, Candy at Lance. Minsan bumibisita rin sina Thea at Rafael kapag hindi busy. That's why I'm always happy. Idagdag mo pa yung palagi naming pagtetext ni Joshua.


I always texting him. Palagi naman syang nagrereply. Minsan kapag busy sya hindi sya agad nakakapag reply at naiintindihan ko yon. May trabaho sya kaya normal lang na hindi sya makapag reply agad minsan.


My days are just normal. Sometimes when my friends don't visit here, I always dance in our big living room since I don't have a dance studio here yet. Exercise na rin dahil hindi pa ako masyadong nakakalabas. Sariwa pa rin kasi ang tungkol sa amin. Mamaya may sumugod nalang sa akin bigla kapag lumabas ako.


Ngayon naman, magkikita kami nina Jana at Klara sa isang coffee shop. After lunch. Ilang araw palang ang nakakalipas at alam kong pinag uusapan pa rin ako pero hindi naman siguro ako susugurin ng mga tao. Sa Spain kasi hindi naman sumusugod, nakikipag picture lang tapos tapos na. Siguro naman ganon rin rito, right?


Nag aalala si Papa at Mama sakin kaya nagpasama sila ng mga bodyguards. Limang bodyguard ang pinasama sakin. That's okay as long as they don't follow me inside the coffee shop. Mas lalong makaka agaw ng atensyon kapag ganon.


I'm wearing a pink t-shirt, jeans and sneakers. May suot rin akong sunglasses at nakalugay ang alon alon kong buhok. My clothes are always simple. I also don't like dresses and these are just the ones in my closet. These are just the clothes I like.


Nakataas na kilay ni Jana ang naabutan ko nang makarating ako sa coffee shop. May nakakilala agad sakin. Lumapit ang karamihan at nagpapicture. Medyo natagalan tuloy ako.


"OMG! Hello po!"

"Amora Legaspi? Amora Legaspi! Ang ganda ganda nyo po!"

"Ang galing nyo pong sumayaw, Amora Legaspi! Idol ko po kayo!"

"Hi po! Fan nyo po ako matagal na! Palagi ko pong ginagaya ang mga sayaw nyo!"


Nagpasalamat at ngumiti ako sa mga camera nila. Wala naman akong angal sa mga ganito. Masaya nga ako kapag may nagpapapicture. Atleast may fans pa rin ako hanggang dito.


Hindi sila makapaniwala na nakita nila ako. Hindi pa nga yata nila ako titigilan kung hindi lang pumasok ang mga bodyguards ko at pinigilan sila. Hindi na ako umangal dahil matatagalan pa talaga ako kung hindi pa nila gagawin yon. I just said goodbye to them and went to Klara and Jana's table.


"OMG! Magkakilala sila ni Klara Silverio!"

"Iyan ba yung magaling na singer? Oh my gosh! Ang swerte ko naman ngayong araw!"


Kung ano ano ang narinig ko sa mga tao habang papunta ako kina Klara. Ngumiti ako sa kanila nang makalapit.


"Long time no see! Na-miss ko kayo!" Sabi ko sabay yakap sa kanila.


Tumayo sila at niyakap rin ako. Ngumiti ako nang maghiwalay kami.


"Na-miss ka rin namin!" Klara said and smiled.


Grabe. Ang laki na ng pinagbago nila. Mas lalo silang gumanda! Klara still has a angelic face but she's more beautiful now. Mas lalo rin syang pumuti. And Jana, still morena, is even more beautiful too. I also noticed the curve of her body. Sexy na sya noon pero mas sexy ngayon. She looks like an actress.


Choosing my Forever (Book Two)Where stories live. Discover now