KABANATA 9

143 7 0
                                    

Kabanata 9

Leaving

--

Kinabukasan, kagaya ng sinabi ni Papa, pumunta nga ulit sya rito sa amin. Maagang maaga palang, kagigising palang namin ni Amara, kumatok na sya sa bahay. May dala ulit syang mga luto nang pagkain na paniguradong sya na naman ang nagluto. Mabilis akong naligo at nang matapos ay si Amara naman ang sumunod. Naabutan ko si Papa na naghihintay sa kusina, nandoon na rin si Mama na mataray na naman ang mukha.

"Ano na naman yan?" Nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay ni Mama.

"Uh... eggs, ham, bacon, panca--"

"Tss..." umupo na si Mama, hindi ko alam kung anong problema nya. Paniguradong trip nya lang magtaray.

Kahit medyo napanguso ako sa pagtataray na naman ni Mama ay masigla pa rin akong bumati sa kanila.

"Good morning!" Ngumiti ako.

Nag angat ng tingin si Papa at napangiti nang makita ako. "Good morning, anak. Si Amara?"

"Naliligo pa po," sabi ko at umupo na sa kaharap na upuan ni Mama. "Good morning, Ma!"

"Mmm," tumango lang sya sakin. Ngumuso ako.

Nag usap kami ni Papa roon. Kinakausap ko rin naman si Mama para naman hindi matahimik itong hapag, tsaka para na rin hindi sya palaging nakatahimik. Sigurado kasi akong wala syang balak sumali sa amin kung hindi ko sya isasali. Hanggang sa matapos na si Amara at nagsimula na kaming kumain.

"Ako nga pala ang maghahatid sainyo ngayon sa school. Ako rin ang magsusundo," si Papa.

Tumango kami ni Amara, naging masaya sa sinabing iyon ni Papa.

"Ano?" Si Mama na nagsalubong ang kilay.

Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Uh... may problema ba?" Si Papa.

"Paano kung may makakita sayo roon? Alam mo na ito, Brayden!"

Natigilan si Papa. Napanguso naman ako habang si Amara ay bumuntong hininga.

"A-Alam ko naman yon. Ihahatid ko lang naman sila at hindi lalabas ng sasakyan..." marahang paliwanag ni Papa.

Inis na bumuntong hininga si Mama. "Bahala kayo," nagpatuloy sya sa pagkain.

"Mama, wag na kayong mag alala. Tsaka kung may makakita naman kay Papa, ano naman?" Singit ko.

Kunot noo syang bumaling sa akin. "Hindi mo ba alam kung gaano na kagulo ang buhay ng Papa mo ngayon? Magulong magulo na ngayon ang buhay nyan, anak. Akala mo artistang sobrang sikat. Kaya hindi maganda kung may makakita sa kanya. Magugulo rin kayo sa school at baka maka apekto pa yon sa pag aaral ninyo."

Kumunot ang noo ko. Alam kong mayaman na si Papa ngayon, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung gaano na sya kasikat. Engineer na sya ngayon, sumisikat ba ang mga engineer? Hindi ko alam pero naguguluhan pa rin talaga ako. Ano na ba ngayon ang estado ng buhay ng Papa ko?

Bumuntong hininga si Papa at binaba ang mga kubyertos nya. Binigay nya ang buong atensyon sa aming dalawa ni Amara. Para bang alam nyang nagtataka pa rin kami hanggang ngayon.

"Anak, hindi naman ako ganon kasikat--"

"Tss. Hindi daw," si Mama.

"Sige. Sabihin na nating kilala na ako ngayon ng marami. Iyon ay dahil engineer ako at... hindi sa pagmamayabang pero magaling ako sa trabaho kong ito. Marami ang gustong... you know... makipag business? Makipagkilala? Makipag kaibigan? Lalo na at..." natawa sya ng bahagya. "Gwapo ang Papa nyo."

Choosing my Forever (Book Two)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin