KABANATA 4

143 9 1
                                    

Kabanata 4

Anak

--

Tulala ako nang makarating sa bahay. Nahinto ang paglalakad ko sa teresita namin at hindi na muna pumasok sa loob. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya napahawak ako sa barandilya para maalalayan ang sarili. Malungkot akong ngumiti habang inaalala ang mukha ni Joshua.

Hindi ko akalaing makakaya ko pang alalahanin ang kanyang mukha. Dinudurog noon ang puso ko ngunit wala naman ako magawa. Kahit pumikit ako, mukha nya ang aking nakikita.

Pumikit ako at ang tanging naririnig ko lang ay ang kuliglig at ang malamig na simoy ng hangin.

Alam kong sa mundong ito, bawal kang humingi ng sobra. Sa mundong ito, dapat sapat na sayo ang kung ano man ang meron ka. Pero sa pagkakataong ito gusto kong humiling na sana, mayaman nalang ako. Para... para maging pwede na... para maging pwede na ako sa kanya.

Natawa ako sa sarili ko. Ang kapal ng mukha mong humiling nyan, Amora. Sa ginagawa mong ito, sa tingin mo ba deserve mo pa ang lalaking yon? Hindi na. Dahil sumobra ka na. Sobra mo na syang sinaktan. Kaya para saan pa ang paghiling mo na yan?

Pero may mga dahilan naman ako. Hindi ko naman sya ipagtatabuyan kung wala akong matibay na dahilan. Mahal na mahal ko sya at hindi ko sya kayang iwan ng ganon. Hindi ko sya kayang saktan ng ganon. Pero kinaya ko dahil iyon ang makakabuti sa kanya. Ang layuan na ako.

Magtatrabaho ako. Kukuha ako ng magandang trabaho. Yung kikita ako ng malaki araw araw. Yung trabaho na mabilis kaming payayamanin. Para kapag nagawa ko na yon, pwede na.

Natawa ulit ako. Desperada ka na talaga, noh, Amora? Gagawin mo na talaga ang lahat para sa kanya? Kailan ka pa naging ganyan kabaliw?

At isa pa, kailan ka pa naging interesado sa mga malalaking trabaho? Kailan mo pa yon pinangarap? Pagsasayaw lang ang pangarap mo kaya paano mo gagawin ang mga bagay na yon? Pagsasayaw lang ang nakikitaan mo ng interes kaya paano ka yayaman?

Umiling ako sa sarili. Tama na, Amora. Kahit anong gawin mo, kahit anong sabihin mo, wala na talaga. Hindi kayo nararapat sa isa't isa. Hindi ka nararapat sa kanya. Kaya tama na.

Nakakainis lang dahil sa dinami dami ng lalaki sa mundo, bakit sya pa? Bakit sa taong hindi ko pa abot kamay? Bakit sa taong hindi pwede sakin? Bakit sya pa?

Hindi ko pinagsisisihan na sya ang lalaking minahal ko. Pero ang sakit sakit lang dahil hindi naman sya pwede sakin kaya bakit pa sya ibinigay? Yumuko ako at tinakpan ang mukha.

Pinigilan ko ang mga luha at pilit na ngumiti. Wala kang dapat pagsisihan, Amora. Hindi mo naman ginustong mahalin sya. Hindi mo naman napipigilan ang damdamin mo. At nung minahal mo sya, unti unti mo na rin iyong nagustuhan kaya wala kang dapat pagsisihan. Ginusto mo rin yan. Kaya tanggapin mo lahat ng kapalit.

Pinakalma ko ang sarili at pinalakas ang loob. Ngumiti ako at huminga nang huminga ng malalim. Hindi naman talaga ako nagsisisi. Sobrang saya ko nga at nakilala ko sya, na dumating sya sa buhay ko. Sobrang dami kong natutunan sa kanya. At gagamitin ko lahat ng yon sa magdadaang mga araw ko. Hinding hindi sya kalilimutan ng puso ko.

Pumasok ako sa loob ng bahay at naabutan ulit si Amara sa sala, busy na naman sa pag aaral. Napatingin sya sa gawi ko at ngumiti naman ako agad, pilit itinago ang lungkot na nararamdaman.

"Good evening, maganda kong kapatid!" Bati ko pa.

Tumango lang sya at bumalik na sa mga libro nya. Ngumisi ako at lumapit sa kanya.

"Ano yan? Pwede kitang tulungan," sabi ko.

Kanina pa sya nandito. Hindi na ako nagulat na hanggang ngayon nag aaral sya dahil palagi naman syang ganito.

Choosing my Forever (Book Two)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant