KABANATA 6

153 8 0
                                    

Kabanata 6

I'm Sorry

--

"Sigurado kang dito ka matutulog, Papa?" Tanong ko kay Papa habang nakatayo kami sa harap nya habang inaayos na nya ang matigas na kahoy na tutulugan nya.

Nalaman kong sa kanya ang van na nakapark sa labas. Gusto kong mamangha at magtaka kung paano sya nagkaroon ng ganon pero mas inaalala ko ang pagtulog nya rito. May isa rin syang tauhan na inutusang kunin ang mga unan at kumot sa van. Hindi ko mapigilan ang magtaka dahil parang handang handa sya para rito. Nagdala talaga sya ng unan at kumot.

"Ayos na si Papa rito, anak. Matulog na kayo at gabi na," anya at lumapit sa amin.

Muli nya kaming niyakap ni Amara at hinalikan sa noo. Ngumiti ako at tiningala sya.

"Hindi ka na aalis?" Si Amara.

Natigilan si Papa at napatingin kay Amara. Nakabawi rin naman sya agad at hinaplos ang buhok nito. Ngumiti sya at umiling.

"Hindi na ako aalis, anak. Dito na si Papa. Hindi ko na kayo iiwan," sa tono nya, parang siguradong sigurado na sya kaya hindi ko napigilan ang pagkakaginhawa ng loob ko.

Tumango si Amara at muling yumakap kay Papa. Nakangiti ko silang pinagmasdan. Isang yakap kay Papa ay nagpaalam na kami sa kanya. Malapit lang ang mga kwarto namin sa sala kaya malapit lang kami sa kanya.

Nang isarado ko ang pintuan ay malalim na hininga ang pinakawalan ko. Napatalikod pa ako sandali sa pintuan at napahawak sa dibdib. Sobrang lakas pa rin ng kabog nito. Masayang masaya na nandito na ulit si Papa. Masayang masaya dahil nakita ko na ulit sya. Para na naman akong maiiyak pero mas nangibabaw ang kasiyahan na nararamdaman ko.

Nandito na sya!

Naglakad ako papunta sa kama at umupo roon. Inisip ko ang mga sinabi ni Papa kanina. Iniwan nya kami dahil naduwag sya, dahil natakot sya. Ayaw nyang nakikitang nahihirapan kami sa buhay, nagugutom at nalulungkot. Hindi nya kinaya kaya pinili nyang umalis. Naduwag nga sya. Naduwag sya sa amin. Naduwag sya sa lahat.

Kahit papaano naiinis ako. Pero mas naiintindihan ko ang lahat. Naiintindihan ko ang naramdanan nya. May mga taong dinaranas ang ganoong bagay. May mga taong naduduwag at napipili nalang umalis kagaya ni Papa. Hindi natin sila masisisi dahil iyon ang pagkatao nila, mahina sila sa mga bagay bagay na ganoon lalo na kapag nakikita nila ang mga taong mahal nila na nahihirapan. Sisisihin nila ang sarili nila at iisipin nilang kasalanan nila kung bakit nahihirapan ang mga mahal nila sa buhay kaya napipili nilang umalis dahil nagi-guilty sila kahit hindi naman dapat. Naduduwag sila kahit hindi naman dapat. At natatakot sila kahit hindi naman dapat.

Naduwag lang talaga noon si Papa at gusto nya lang ang makabubuti para sa amin. Gusto nya lang maibigay ang mga gusto namin at ang naiisip nya na paraan para magawa yon ay ang iwan at layuan kami.

Bumuntong hininga ako. Kahit hindi pa maayos ang lahat ngayon dahil galit pa rin si Mama kay Papa, masaya ako dahil nandito na sya. Dahil hindi na nya kami iiwan. Mananatili na sya sa amin at mabubuo na ulit kami sa oras na tanggapin na ulit sya ni Mama. Napangiti ako.

Kumuha ako ng damit at lumabas para makaligo na. Nakita ko si Papa na nakaupo pa rin, nakatingin mismo sa kwartong pinasukan ni Mama. Napatingin sya sa akin nang makitang lumabas ako.

Ngumiti ako agad.

"Where are you going?" Tanong ni Papa at napatingin sa dala kong damit.

"Maliligo lang po," tinuro ko ang banyo sa gilid.

Tinignan nya yon at tumango. Naglakad naman na ako papunta roon. Nakita kong bumalik ang tingin nya sa kwarto ni Mama.

Alam kong gusto nyang makausap si Mama ng maayos. Alam kong gusto na nyang pasukin ang kwarto nito. Kilala ko si Papa. Kapag may pagtatalo sila noon ni Mama, hindi sya natutulog hanggat hindi sila nagkaka ayos. Hindi nya pinapalipas ang isang araw nang hindi sila nagkaka ayos. Hindi nya sinasabayan si Mama kapag galit ito. Imbes, sinusuyo nya ito. At iyon ang pinaka gusto ko sa relasyon nilang dalawa.

Choosing my Forever (Book Two)Where stories live. Discover now