KABANATA 5

150 10 0
                                    

Kabanata 5

Father, Husband

--

"Anak..."

Nang marinig ko iyon, para akong natunaw. Mas lalong sumakit ang puso ko na kahit anong gawin kong paghinga ng malalim, ayaw huminto. Tuloy tuloy pa rin ang pagbuhos ng mga luha ko at hindi ko na napigilan pa ang paghikbi ng matindi.

Sa harap ko ay ang Papa ko. Ang lalaking matagal ko nang pinapangarap na makita. Ang lalaking matagal ko nang gustong makasama ulit. Ang lalaking pinaka mamahal ko. Nandito na sya sa harap ko ngayon, nasasaktan at masaya rin sa parehong pagkakataon.

Mas lalo akong napaiyak.

"Anak.. Amora..." pagtawag nya muli. Naging malaki muli ang epekto noon sa akin.

"P-Papa..." pagtawag ko rin.

Kitang kita ko rin ang laki ng epekto noon sa kanya. Bumagsak ang kanyang mga luha at mas lalong ngumiti. Mas lalo nyang inangat ang kanyang kamay, umaasang tatakbo ako sa kanya.

Hindi naman na ako nagsayang pa ng oras. Tumakbo ako papunta sa kanya at buong puso nya naman akong tinanggap. Mahigpit ko syang niyakap sa baywang at ganon rin sya sa akin. Humagulgol ako.

"Papa," iyak ko.

"Shh... I'm sorry. I'm so sorry..." namamaos nyang bulong sa tenga ko.

Mas lalo akong humagulgol, hindi na nakapag salita. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya, takot na mawala sya ulit sa akin. Sobrang tagal kong hinintay ang araw na ito at ngayon ay hindi lang haplos ang nararamdaman ko sa aking puso, matinding haplos na iyon na sinasaktan na ako. Humigpit pa lalo ang yakap nya sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang pangungulila nya sa mahigpit nyang yakap. At alam kong ganon rin ako sa kanya.

Naramdaman ko ang mga halik nya sa buhok at noo ko, ganon na rin sa pisngi ko habang patuloy pa rin ang hagulgol ko. Napapikit ako at mas lalo pang napaiyak nang maramdaman ang mga halik nya. Miss na miss ko yon. Miss na miss ko ang yakap nya. Ang lahat sa kanya. Hindi ako makapaniwalang niyayakap ko na sya ngayon.

Sa nagdaang taon, hinihiling ko lang ito. Sa nagdaang taon, pinapangarap ko lang ito. At ngayong natupad na lahat ng pantasya ko, wala akong maramdaman kundi saya. Ngunit ang sakit at pagtatampo ay nandoon pa rin sa aking puso.

Pero hindi ko muna iyon inintindi at niyakap lang ng mahigpit si Papa. Wala na akong pakialam kung mabasa na ang damit nya dahil sa mga luha ko. Basta masaya ako at nasasaktan ako. Gusto kong ilabas lahat ng pangungulila ko sa bisig nya.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagyakapan at nag iyakan roon. Pakiramdam ko hindi ko na ulit kayang humiwalay pa sa kanya. Ayokong bitawan sya dahil pakiramdam ko iiwan nya ulit ako, kami. Pakiramdam ko mawawala ulit sya. Natatakot na akong bumitiw.

Ngunit nilakasan ko ang loob ko at pagkatapos ng halos kalahating oras, dahan dahan akong humiwalay at tiningala ang matangkad kong Papa. Hinaplos nya ang mukha ko. Inayos nya ang buhok ko at pinunasan nya ang mga luhang nasa buong mukha ko na.

Mas lalo akong nanlambot sa haplos nya. Ang haplos ng isang ama ang matagal ko nang hinihintay, matagal ko nang hinihintay ang haplos nya. At ngayong ginagawa nya na yon, natutunaw na naman ako.

Kahit huminahon na ako ay patuloy pa rin ang mga luha ko. Walang tigil na parang gripo, na parang ulan. Dahil sobrang sakit.

"Bakit ngayon ka lang, Papa? Bakit ang tagal tagal mo?" Tanong ko habang humihikbi.

Hinaplos nya ang pisngi ko at muli akong hinila payakap sa kanya. Muli akong napahikbi.

"I'm so sorry. Patawarin mo ako, anak..." sambit nya.

Choosing my Forever (Book Two)Where stories live. Discover now