SIMULA

320 10 0
                                    

Simula

--

Nakapikit kong sinalubong ang malamig na simoy ng hangin ng umaga. Iyon na naman yung pakiramdam na para akong nitong niyayakap. Nakakarelax at nakakagaan ng pakiramdam.

Ngunit kahit gaano yata ito nakakagaan sa pakiramdam, ang sakit sa puso ko ay hindi pa rin nito kayang pawalain.

Dahan dahan, naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha. Kahit nakapikit, hindi ko pa rin ito napigilan. Nang dahil sa paulit ulit na kirot ng puso ko, ang mga luha ay ayaw na namang tumigil.

Siguro nga ganon talaga. May mga bagay tayo na hindi pwedeng makuha, lalo na at alam mong hindi nararapat sayo ang bagay na iyon. Ang mayaman ay para lamang sa mayaman. At ang isang tulad ko na mahirap at hindi maayos ang pamilya ay nararapat lang rin sa mga katulad ko.

Nakakatawa.

Naiintindihan kong iba iba ang isip ng mga tao, iba iba ang opinyon natin sa mga bagay bagay at hindi pare pareho ng ugali. Pero tama bang pumagitna sa dalawang tao? Tama bang pigilan sila nang dahil lang sa paniniwala mo?

Hindi ba pwedeng respetuhin nalang natin ang bawat isa? Respetuhin ang opinyon ng isa't isa at respetuhin ang bawat estado ng buhay nila? Hindi ba pwedeng ganon nalang? Yung hindi namimilit? Hindi nanghuhusga? At hindi nananakit? Kasi sa totoo lang? Sobrang sakit.

Totoo ngang napaka lupit na ng mundo. Marami nang tao ang walang respeto sa kapwa, nahumaling na sa pera at wala nang pagmamahalan. Bakit ako nabuhay sa modernong panahon na ito? Pwede ko bang hilingin na sana nabuhay nalang ako sa nakaraan? Kung saan lahat ng tao ay puro lang pagmamahalan? Yung walang inggit, walang mayabang, walang masasama at walang nanghuhusga?

Kaunti nalang ang taong simple lang ang gusto. Ang mamuhay ng tahimik at masaya. Yung hindi nanghihingi ng higit pa at kuntento na sa kung ano man ang meron sila.

Dumilat ako at mas lalong bumuhos ang luha ko. Hindi ako makapaniwalang napunta ako sa sitwasyon na ito. Ang akala ko magpapatuloy ang kasiyahan na nararamdaman ko pero hindi pala.

Siguro nga ganon talaga ang buhay. Minsan nasa taas ka, at minsan naman nasa baba. Pagsubok kung baga. At wala kang magagawa kundi tanggapin iyon at matapang na harapin dahil iyon lang ang tanging paraan para marating mo ulit ang masayang buhay na gusto mo. Kahit masaktan ka pa, o kahit mawasak ka pa, wala kang magagawa kundi tanggapin ang lahat.

Mas lalo akong napaiyak nang makita ang mukha ni Joshua noong sinasabi ko sa kanya ang mga masasakit na salita na halos durugin rin ako. Hindi ko alam kung paano ko iyon nasabi lahat. Alam ko kung gaano sya nasaktan at mas lalo akong nasasaktan roon.

Kalungkutan, sakit, takot at galit. Iyan ang mga nakita ko sa kanyang mga mata nang sabihin kong gusto ko nang maghiwalay kami. Gustuhin ko man syang balikan ngayon din para bawiin lahat ng sinabi ko, alam kong kailangan kong pigilan ang sarili ko. At hindi ako sigurado kung babalikan nya pa ako sa lahat ng mga sinabi kong masasakit na salita. Galit na siguro sya sa akin ngayon.

Yumuko ako at nilagay ang dalawang kamay sa mukha. Hindi ko pa rin mapigilan ang mga luha ko. At ang kirot sa dibdib ko ay mas lalo lang lumalala habang nagtatagal. Hindi ko mapigilan at wala akong magawa kundi umiyak nang umiyak.

Matagal na simula nang maramdaman ko ang ganito katinding sakit. Natatandaan kong nasaktan rin ako ng ganito noong iniwan kami ni Papa. At hindi ko akalaing mararamdaman ko ulit ito sa pangalawang lalaking mamahalin ko.

Inalis ko ang kamay sa mukha at pinunasan ang basang basa kong pisngi. Suminghot ako kahit sobra nang nagbabara ang ilong ko sa kakaiyak. Ramdam na ramdam ko rin ang sakit sa lalamunan ko. Huminga ako ng malalim at tinampal tampal ang dibdib ko.

Choosing my Forever (Book Two)Where stories live. Discover now