KABANATA 16

149 7 0
                                    

Kabanata 16

Real Name

--

Sa hapon ring iyon ay umuwi na ang mga kaibigan ko. Sinundo sila ng mga sundo nilang van. Si Thea sumabay kay Rafael at si Candy naman kay Lance. Sina Bea, Sofia, Pearl at Joy may sari sariling mga sundo.

Hindi na kami lumabas ni Amara para ihatid sila dahil baka may kung sinong tao sa labas na nagmamasid o nangunguha ng pictures. The bodyguards also forbade us to go out, utos daw ni Papa.

Pagod akong humiga sa kama ko pagkatapos noon. Pumunta na rin si Amara sa kanyang kwarto at nagpahinga. Pumikit ako at sandaling nanatiling nakahiga.

Na-miss ko ang kwarto kong ito. I only slept here for a few days because we immediately went to Spain. Masaya akong makabalik ulit rito.

Nakasuot na ako ng panibagong t-shirt at shorts. Nakaligo na ako at magpapahinga nalang. It was getting dark, the moon was peeking into the sky. I sighed and got up and leaned on the headboard of the bed.

I held the necklace around my neck and thought about what Sofia had said earlier. Nothing is happening but my heart is beating so fast. Hindi ko alam kung bakit ganon iyon. Huminga ako ng malalim.

Naiinis ako. I shouldn't be happy just because they're not married yet! Gosh! They're still in a relationship! Even if the married was canceled, they're still in boyfriend-girlfriend status so I shouldn't be happy!

Gosh, Amora! What the hell is happening to you?!

Okay. Alam ko naman na sinabi ko na noon na magiging masaya na ako para sa kanila. I have accepted that they're really for each other. I really accept that but gosh! I also don't understand myself! Alam kong mali ang umasa pero... argh!

No, Amora. Stop hoping, please! Sila pa! Sila pang dalawa! They are still in a relationship! What are you gonna do? Aagawin mo si Joshua? Just because they are not married yet? Oh what the hell are you thinking, Amora?! You're going crazy!

Gosh! Hindi ko na alam ang iisipin ko. I feel like my brain is going to explode dahil sa mga naiisip ko. Pakiramdam ko mababaliw na ako! Pumikit ako ng mariin.

This is one of the reasons why I don't want to know more about them. Dapat kasi hindi na ako nagtanong pa kanina! Dapat nanahimik nalang ako! Dapat hindi ko na inalam pa ang tungkol sa kanila! Oh my gosh! Gusto kong magwala!

Okay. Calm down, Amora. Para ka nang baliw. Calm down. The wedding just didn't go on because they weren't ready yet. They will also continue that when they are ready! So calm down! Anong aagawin? Nababaliw ka na talaga! Is that what you learned in Spain?! Gosh! Kumalma ka, Amora!

Nababaliw na ba ako? Hindi ko na alam ang iisipin ko. Sobrang gulo ng utak ko, sabayan pa ng sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nakakainis ang ganitong pakiramdam. Pakiramdam ko nagiging masama ako nang dahil sa nararamdaman ko para sa kanya. This is really wrong. I should have stopped it a long time ago. Dapat matagal ko na syang kinalimutan.

Ngumuso ako at tinignan ang kwintas. Dapat matagal ko na itong tinapon para makalimutan na kita. Pero... hindi ko kaya!

Bumusangot ako at nagpapadyak sa kama. Gosh, Amora! Sobrang rupok mo! Alam mo sa sarili mo na kahit itapon mo yan, hindi mo pa rin sya makakalimutan! Ang rupok mo! Ang rupok rupok mo!

Umayos ako ng upo at kinunot ang noo. "Anong marupok? Hindi ako marupok! Hinding hindi ako magiging marupok! Gusto ko sya pero kaya ko pa rin syang ipagtabuyan! Kaya ko pa rin syang tanggihan! P-Pero..." tinagilid ko ng aking ulo at ngumuso. "K-Kung magugustuhan nya ulit ako... edi..." pumikit ako. "Oh my gosh, Amora! Stop! Stop! Stop! Nababaliw ka na talaga! Hindi ka sabi marupok! Hindi!"

Choosing my Forever (Book Two)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن