KABANATA 11

159 7 0
                                    

Kabanata 11

Payag

--

Hindi ako nakatulog agad nung gabing yon. Naglalaro sa isip ko ang lahat ng mga sinabi ni Amara. Nalilito ako kung susundin ko ba ang sinabi nya o ano. Sa tuwing naiisip ko na babalik ako, pupuntahan sya, pakiramdam ko napaka kapal ng mukha ko. Ang kapal kapal ng mukha ko para bumalik pa pagkatapos ng lahat ng sakit na binigay ko sa kanya.

Kaya tama pa bang bumalik pa ako?

Wala na akong karapatan, hindi ba? Kasi pinagtabuyan ko na sya, sinaktan ko sya, pina alis ko sya. Kaya wala na akong karapatan. Ang kapal kapal na ng mukha ko kung magpapakita pa ako sa kanya. Hindi na ako pwedeng bumalik.

Pero ang pag asa sa puso ko ay nabubuhay. Gusto nitong bumalik, gusto nitong umasa na hindi pa huli ang lahat, gusto nitong magpakita ako kay Joshua. Gusto yon ng puso ko pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko hindi na pwede.

Galit na sya panigurado sakin. Sinaktan ko sya ng paulit ulit. Pinagtabuyan ko sya ng paulit ulit. Kaya galit na sya sakin. Galit na sya at siguro, yung pagmamahal nya sakin ay napalitan nalang rin ng galit. At natatakot akong kapag bumalik ako, galit nalang rin ang ipakita at ibigay nya sa akin.

Hindi ko na alam ang iisipin ko. Sobra akong naguguluhan. Natatakot ang utak ko pero ang puso ko ay punong puno ng pag asa. Hindi ko alam kung sino ang susundin ko sa dalawa.

Naalala ko ulit yung sinabi ni Amara. Bakit hindi ko subukan? Walang mangyayari kung hindi ko susubukan. Hindi ko malalaman ang mga sagot kung hindi ko susubukan. Kaya susubukan ko ba? Babalik ba ako?

Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak kagabi. Basta ang alam ko lang habang iniisip ko ang mga sinabi ni Amara ay umiiyak ako. Walang tigil na parang ulan. Walang tigil ang pagkirot ng puso ko na para bang paulit ulit itong pinipiga. At dahil iyakin ako ay wala akong nagagawa kundi ang umiyak. Kahit pigilan ko, mas lalo lang akong napapaiyak.

Sobrang kapal na ng mukha ko kung babalik pa ako pero susubukan ko pa rin. Aasa ako na sana mahal nya pa rin ako. Aasa ako na kapag nagsorry ako ay pagbibigyan nya ako. Aasa ako sa pagmamahal nya sa akin. Doon lang ako kakapit.

Pero naisip ko... mahal nya pa ba ako?

Sa tuwing naiisip ko na galit na nga lang ang natitirang nararamdaman nya para sa akin ay umaatras ako. Kapag naiisip ko na babalewalain nya nalang ako dahil sa galit nya, nanghihina ako, nawawalan ako ng pag asa. Tama pa bang bumalik ako sa buhay nya? Hindi na siguro, noh? Kasi sobra nang sakit ang ibinigay ko sa kanya. Alam kong hindi na nya ako mapapatawad.

Pero may kumakatok talaga sa puso ko. Nagniningning ang mga bituin na para bang sinasabi sa aking may pag asa pa. Maliwanag rin ang buwan na para bang sinasabi nyang gagabayan at sasamahan nya ako. Bumubulong ang hangin at sinasabing kaya ko ang lahat at magpatuloy lamang ako.

Habang umiiyak, magang maga ang mga mata, humihikbi, bumangon ako sa pagkakahiga. Nilagay ko sa lapag ang mga paa ko at umupo sa kama. Hinawakan ko ang kwintas na nasa aking leeg. Tinatamaan ng liwanag ng buwan ang kwintas dahilan para kuminang iyon. Kasabay ng pagkinang noon ay ang pagtulo ng luha ko.

Ito ang kwintas na binigay nya noong anniversary namin. Napaka sakit balikan ng alaalang iyon. Para na namang dinudurog ang puso ko lalo na kapag naaalala ko ang mukha nya nung araw na yon. Masayang masaya sya. Punong puno ng pagmamahal ang mga mata nya. Hindi rin nya napipigilan ang pagngiti dahil sa sobrang saya. Sobra akong nasasaktan kapag naiisip na pinalitan ko ng sakit ang saya na nararamdaman nya. Mas lalo akong napaiyak.

Tinitigan ko ng mabuti ang kwintas. Hindi ko ito kailanman hinubad. Palagi itong nakatago sa damit ko kapag lumalabas ako. Sa pagligo ko lang ito hinuhubad sa takot na baka mapatid. Pakiramdam ko kasi kapag hinubad ko ito, para ko na ring sinabi sa sarili ko na hindi ko na sya mahal. Hindi ko ito kayang hubarin.

Choosing my Forever (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon