CHAPTER 50

115 7 0
                                    

Makakalabas na daw ako ng clinic after 2 days, salamat naman. Kung may mangyare nanaman sakin lalaban na ko. Bilang self defense.

Hindi ko pa pala naikekwento sa inyo no? Na when i was young pinasok ako nila mama sa taekwando class. Black belter din ako, sinabe ng nagtuturo sakin hanggat kaya kong wag lumaban. Huwag. Masama din kase manakit ng tao eh

Pero pag sobra na kailangan mo ng turuan ng leksyon

Kamusta na kaya yung apat? Sila yuri.  May pasok kasi eh kaya bihira sila dumalaw sa akin naiistress na talaga ako sa tuwing naalala ko ang dami ko ng absent. Samantalang dati halos wala akong absent

Nalalapit narin pala yung acquaintance party namin. Sakto makakalabas na ako may one week pa ko para habulin mga school works na di ko nagawa

Wala akong kasama ngayon sa kwarto dahil sila mama at papa umuwi muna para maglaba ng damit at magdadala uli sila ng panibago para pampalit namin. Si kuya naman may pasok kaya wala din

Nakakaupo na ako ngayon, di narin nakataas yung paa ko kaya pwede na ngang lumabas. Yung guard o pulis ba yon laging nasa labas ng room ko pag mag isa ako

Yun yung pinabantay sa akin ni dreiden dahil baka daw pasukin ako dito which is grabe naman na yon di naman na siguro may guard den sa pinto pagpapasok dito sa clinic eh

Para akong ewan dito kinakausap ko sarili ko, epekto ng walang kausap

Sa kalagitnaan ng pagkatulala ko sa kisame, siya namang bukas ng pintuan ng kwarto ko

Si Doc lang pala

"Miss Micha Salvador right?" Tanong nito

Siguro bagong doctor na to? Yung doctor ko kase kilala na ako non eh at yon ang laging nag aasikaso sa akin. Baka absent?

T-Teka iinjectionan ako? Ah mama!!

"May ituturok lang ako sayo last naman na to para sa patuloy na pag recover mo." Aniya nito

Tumango na lamang ako at lumihis ng tingin pag tumingin ako baka magwala kasi ako

Scam talaga yung sinasabe ng doctor parang kagat lang daw ng langgam yung injection huhu pagtapos ako saksakan parang nakaramdam ako ng pagkahilo at inaantok?

Siguro sa gamot lang.. at hindi ko na alam ang nangyare sa akin nagblack out nalang ang paningin ko

~~~~~~~~~~~~

Hi readers i'm sorry, busy ako sa school works kaya di ako nakakapagupdate i hope you understand me. Babawi ako sa inyo lovelots!! Soon lagi uli ako maguupdate! Miss me? Sabe ko nga hindi char i miss you kahit di niyo ako miss. This is my draft sana maayos parin siya sa inyo. Lutang ang author niyo pasinsya na

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Where stories live. Discover now