CHAPTER 75

69 6 0
                                    

AUSTIN'S POV

Ayaw ayaw pang matulog sa balikat ko nung inaalok ko, matutulog din pala pabebe pa eh. Kasalukuyan ko siyang tinititigan ngayon kase hindi ko matanggal yung paningin ko sa kanya, kahit tulog cute pa din

Paano ka nagiging maganda at the same time cute?

Ako na siguro pinakaswerteng tao kung ikaw yung magiging girlfriend ko

Nandito na kami ngayon sa bahay nila micha, ayaw ko sana siya gisingin pero bahala na bubuhatin ko nalang siya. Magising na kung magising

Pagkabayad ko sa driver dahan dahan ko ng binuhat si micha takte, hindi naman siya mataba pero para kang nagbuhat ng bato na malake wth

Pero okay lang mahal ko to, tinignan ko ang mukha nito pero tulog pa din ano to bata? Napaka tulog mantika tsk nanakaw na siya di parin nagigising

Pagpasok namin sa bahay diniretso ko agad ito sa kwarto niya at dahan dahang kong nilapag si micha, gumalaw pa ito na iknagulat ko kala ko magigising

Umupo muna ko sandale sa tabi dahil para akong nabalian ng buto sa likod joke lang, nakakapagod den ah. Naisip kong hawakan ang leeg ni micha para i-check kung mainit ito

Ganoon nalang ang gulat ko nang sobrang init na nito

Dali dali akong humanap ng gamot na pwede niyang inumin at naghanda na ng planggana na may tubig at yelo pati pamunas

Ayaw man kita gisingin pero kailangan mo uminom ng gamot

"Micha." Tawag ko

Nananatili parin itong tulog, kaya niyugyog ko ito nang onti pero wala pa ding effect

Kaya nilakasan ko na ang boses ko pati yugyog, nagmulat naman ito ng mata na dahan dahan

"Nasan ako?" Tanong nito

"Nasa outerspace." Pang aasar ko

Bumangon naman agad ito at iniikot ang paningin tsaka tumingin sakin

"Sinamahan mo ko?"

Pfft naniwala? Ano ba to lasing?

"Joke lang. Ang taas ng lagnat inumin mo muna to." Aniya ko

Ginawa niya naman ang sinabe ko at bumalik na uli ito sa pagkahiga

"Alam mo ba.." biglang sabi nito

"Ano?"

"Nasaktan ako nung nakita kita na may kasamang babae pero di ko alam kung bakit.. parang papa ko lang hahaha." Aniya nito na papikit na

Nasaktan siya? Kaya ba nakatingin siya non tapos umiiyak?? Pero nakaramdam ako ng awa kay micha sa nangyayare ngayon sana soon maging okay din lahat. Kapag kasi nasasaktan yung mahal mo, masasaktan ka din

"Micha, ako parin ba?" Biglang lumabas sa bibig ko na tanong ng isipan ko

"Hmm di ko rin alam.." aniya nito at pumikit na

Mukhang may kalaban nako sa puso mo, konting sakit lang ngayon dahil hindi pa naman niya sinabe na may gusto na siyang iba. Kukunin ko sana cellphone ko sa tabi ko pero pagtingin ko wala don

Teka nawala ko ba? Anak ng tupa yare nanaman ako kila mama

Hinanap ko sa paligid ng kwarto ni micha pero wala ito, aakma na sana kong bubuksan ang pinto ng kwarto nang magsalita si micha

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Where stories live. Discover now