CHAPTER 58

94 7 0
                                    

SALVADOR'S HOUSE (Micha's POV)

Ang bilis ng araw, ang saya ko kasi.. I'm finally discharged na sa hospital! Wag na sana akong bumalik don nakakasawa eh

Masaya ako pero parang may kulang? Weird lang. Siguro namimiss ko lang mga kaibigan ko?

Speaking of, pagbukas ko ng phone nagchat sakin sila dreiden nakailang sorry ito sa akin hindi ko alam kung rereplyan ko pa ba o hindi dahil pinapaiwas na ako sa kanila

Parang nakakapanibago bukas pagpasok ko parang bumalik sa simula, yun bang di ko pa sila kilala

Ang nireplyan ko nalang muna is si yuri na kasalukuyang offline pa, bigla namang nagsalita si mama na nasa kusina. Nasa sala kasi ako medyo magkalapit lang

"I-block mo yung tatlong lalake."

"Pero ma?"

Tinignan lang ako nito ng matalim, kaya sinunod ko na lamang ang sinabe nito dahil nangangahulugan yung tingin na yon 'makuha ka sa tingin, kung hindi yari ka'

Napabuntong hininga nalang ako at binlock ko yung tatlo kong kaibigan na malapit sa akin

"Kamusta ka dyan?" Salita ni kuya na tumabi sa akin

"Ayos lang?"

"Nagiging sinungaling ka na, kilala kita mula ulo hanggang paa kahit sa loob pa yan."

"Fine. Ang gara kasi kuya masaya ako pero parang may kulang. I mean nakakausap nakikita ko naman bestfriend ko.. kayo.. pero bat? Hay nako."

"Miss mo yung tatlo no?"

Tumango nalang ako, i can't deny napamahal narin ako sa kanila. Gumawa kami ng memories na masasaya, lagi kaming magkakasama sino ba namang hindi maninibago? O kaya eh di sila mamimiss diba?

"Sabihin mo nga sakin kapatid may natitipuhan ka na ba sa tatlo?" Ngisi nitong biglang tanong

Napakunot naman ang noo ko argh!! Dahil ang seryoso ng usapan biglang isisingit yung nakakapagpa-stress din. Pero sa tingin ko hahanap na ng bagong babae na liligawan yung mga yon buti nga eh kaya okay na din to na nagkalayo kami

Ganon kase mga lalake eh niligawan ka, tapos nalaman na hard to get ka kaya ang gagawin nila hahanap sila ng easy to get simple as that right? Tsh

"Napaka mo kuya!!"

"What? I'm just asking lil sis! Wahahaha! Oha english yan pwede na talaga ko sa states." At hinawi pa nito ang buhok papuntang tenga kala mo babae tas nag oppa sign pa (basta yung heart sa kamay, tawag lang namin is oppa sign kayo na mag adjust),

"Bakla ka na ba? Kaya pala move on ka na ha."

"Utut mo wahaha no way, may crush ako no. Pero di ko sasabihin sayo madaldal ka eh."

Nawindang naman ako, totoo ba? Its been a year! Loyal tong kuya ko sa ex niya na nag ibang bansa baka daw kasi bumalik pa sa kanya yak marupok

"Kilala ko ba?"

"Ewan ko wahaha bat ko sasabihin? Edi nalaman mo. Duh" at inirapan pa talaga ako nito

Minsan naiisip ko talaga ate ang mayroon ako, at hindi kuya

THE UNEXPECTEDLY SUITORS (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя